"Talagang kailangan mong mag-explain!" may kalakasang sigaw ni Maureen sa kanyang kasintahan. Alam naman niyang pakana nito ang pag-kidnap sa kanya ngunit ang malamang kasama, kasabwat nito ang mga kaibigan niya, mismong mga kaibigan niya ay nakakakulo ng dugo. Kaya pala hindi nagsasalita ang mga iyon. Kaya pala para siyang basaging bagay sa ingat ng mga ito kahit pa may baril ang mga itong dala. Kilala pala niya ang mga walang hiya. Nakakagigil! Humanda talaga ang mga ito kapag nagkita sila. Pero bago iyon ay ang lalaking nasa harapan muna niya ang pagdidiskitahan niya. "Sorry, Sweetheart! Wala na kasi akong choice kundi gamitin sila. They were willng and they were willing to accept your wrath too kung sakaling malaman mo. Pero wala talaga akong balak na sabihin iyon sa iyo dahil iyon

