ONE HELLO by: EL.WriterAtHeart
Chapter 1
Veronica
Pull the trigger Veronica! Pull it!
And all I can hear was the gun sound, masyado masakit sa tainga at ang lakas ng impact kaya ng nagawa kong pindutin ang baril ay automatic ko itong nabitawan. Nandito ako ngayon sa shooting ground at nagte-training kung paano humawak at Bumaril ng tama. Bago sa akin ito kaya kahit hawak ko na ang baril ay nakapikit pa rin ako, kasalanan ko ba ipinanganak akong babae at walang alam sa ganito.
“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na kapag hawak mo ang baril ay huwag kang pipikit? Veronica naman! Paulit-ulit na lang.” Singhal ng boss ko sa akin, hindi na bago sa araw-araw ba naman na sinisigawan niya ako ay nakasanayan ko na.
“Boss alam mo naman na wala akong background sa ganito hindi ba? Bakit ba kasi minamadali niyo ako.” I release a deep sigh. Frustrated ako kasi naman ngayon ko lang nalaman na yung trabaho na inalok sa akin ng boss ko ay maging parte ng gang group like duh babae ako, matino akong tao tapos ganito. Oo minsan masama ang ugali ko at oo din suplada ako pero hindi naman aabot sa puntong papatay ako. Ano ba naman kasi itong pinasok ko.
Usually kapag nasa training ako I always do wear leather jacket and leather black pants para komportable ako kumilos at hindi mabigat sa katawan. 2 weeks pa lang simula ng marecruit ako ni Boss sa ganitong trabaho, tinanggap ko kasi naman akala ko magiging server o crew lang ako tapos may malaking sweldo na kayang-kaya tustusan yung pag-aaral ko. Syempre sino ba naman ang tatanggi hindi ba, Ang gusto ko lang naman makapagtapos ng pag-aaral dahil hindi iyon naibigay sa aking ng magulang ko dahil maaga sila namatay dahil sa isang aksidente.
Minsan sumasagi sa isip ko na hanapin yung pumatay sa kanila pero alam ko naman na hindi ko yon magagawa kung wala akong pera kaya nga nagsisikap ako tustusan yung sarili ko. Lumaki ako sa orphanage kasama sila sister Tere pero nung tumungtong ako sa disi-otso pinalabas na nila ako dahil kaya ko na daw makahanap ng desenteng trabaho at mapag-aral ang sarili ko.
Naiinggit ako sa mga batang nakikita ko na kumpleto ang pamilya dahil nga maaga nawala ang magulang ko pero thankful pa rin ako na nung mga panahong kailangan ko ng tutulong sa akin Nakita ako ni sister Teresa na nakahiga sa kalsada sa tabi ng simbahan at dinala niya ako sa bahay ampunan.
Maraming bata ang nakatira sa ampunan, kung titignan mo sila maiisip mo na ang malas at nakakaawa sila dahil wala silang magulang pero ang totoo swerte sila dahil wala man silang nanay o tatay na natatawag andyan sila sister na buong pusong ibinibigay ang pagmamahal nila para sa lahat.
Dumadating din naman sa punto nila na makakakilala sila ng bagong magulang dahil maraming tao ang willing na ampunin sila at ituring na totoong anak, tuwing birthday,pasko at bagong taon maraming natatanggap na regalo ang mga bata sa ampunan galing sa mga sponsor kaya swerte sila. Yung iba naman sa kanila may mga magulang pero salat sa kakayanan na buhayin sila kaya iniiwan sila sa bahay ampunan,. Hindi lahat ng bata doon ay walang magulang ang totoo mas pinipili ng magulang nila na nandoon sila na ligtas kaysa nasa labas sila pero delikado naman ang mga buhay nila.
Naging masaya ang buhay ko sa ampunan dahil doon ay marami akong natutunan kaya kahit wala na ako doon sinisigurado ko na bumibisita ako kapag may free time ako. Marami na rin akong napasukang trabaho, mahirap oo kasi wala naman madaling trabaho, nagtrabaho ako bilang tindera sa maliit na tindahan, nagtrabaho na din ako sa kainan, siguro sa dami ng naging experience ko simula nagtrabaho ako ay siguradong batak na batak na ang katawan ko.
Bago ako umalis sa ampunan gabi gabi ako kinakausap ni sister Tere na huwag na huwag ako gagawa ng bagay na alam kong ikapapahamak ko, lagi niya rin ako ipinagdarasal na makahanap ako ng disenteng trabaho. Totoo na naging magulang ang turing ko kay sister at mga totoong anak ang turing niya sa amin. Kaya hindi ko hinahayaan na mapariwara ang buhay ko hanggang sa mapasok nga ako dito sa trabaho na ito.
Kung noong una pa lang ay nalaman ko na sana hindi ko na tinanggap, kaya lang hindi na ako pwede mag back out dahil may tinanggap na akong bayad at ang kalahati noon ay ibinigay ko kay sister bago ako umalis. Sumagi sa isip ko ang mga tanong na bakit ng aba pinasok ko ang ganitong trabaho at ganitong buhay pero hindi ko na ito matatakasan dahil nasimulan ko na.
“Iha saan mo nakuha ang malaking halaga na ito?”
Ilang beses na tinanong sa akin ni sister iyan simula pa kanina nung nakipagkita ako sa kaniya, hindi ba magets ni sister na nahihirapan na ako magsinungaling kaya bakit tanong pa siya ng tanong hays.
“Sister back pay ko po iyan dahil nagresign na po ako sa restaurant,” Buong loob na sabi ko “ kaya po tanggapin niyo na po iyan Sister, medyo matagal din po ako hindi makakadalawa sa inyo dahil may magandang offer po sa akin na trabaho isipin niyo na lang po na iyan dapat yung buwan-buwan kong iniaabot sa inyo ginawa ko lang pong isang biglaan.”
Habang sinasabi ko yon kay sister ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa dami na ng kasinungalingan na sinasabi ko sa loob ng araw na ito.
“Okay sige sa ngayon tatanggapin ko ito pero hindi ko ito gagalawin hangga’t hindi ko nalalaman kung saan talaga nang-galing ito Chelsea, alam ko na nagsisinungaling ka kaya nga tinanong kita ng ilang beses dahil hiihintay ko na magsabi ka ng totoo pero mukhang wala kang balak sabihin kaya hindi na kita tatanungin ulit tungkol dito.”
Shocks alam ni sister na nagsisinungaling ako, sa bagay ilang taon din niya ako nakasama kaya hindi Malabo na malaman niya.
“Sorry sister, sa ngayon hindi ko pa po kaya sabihin tatawag na lang po ako sa inyo kapag handa na po ako, mag-iingat po kayo mauuna na po ako.”
Agad akong nagmano at nagmadali umalis sa harap ni sister sa sobrang hiya ko, at dun ko na rin huling beses narinig na tawagin akong Chelsea dahil sinabi ko kay boss na ayoko gamitin ang totoong pangalan ko sa papasukin kong bagong trabaho.
Hindi ko alam kung ilang Santo ba ang hiningian ko ng tulong para sa pagkikita namin ni Sister, hiniling ko na sana hindi niya malaman na nagsisinungaling ako pero mas malakas sa itaas si Sister kumpara sa aking kaya agad agad nabuking ako, nakokonsesiya ako dahil nagsinungaling ako pero iyon ang mas maganda at dapat na gawin para hindi ko mailagay sa alanganin ang buhay ni Sister, siya ang tumayong magulang ko sa loob ng ilang taon kaya ayoko na masasaktan siya ng dahil sa kagagawan ko.
Natakot ako nung sinabi sa akin ni Boss na wala dapat makaalam ng magiging trabaho ko kahit pinakamalapit sa buhay ko dahil dadalhin ko lang daw sila sa kapahamakan, kaya wala akong ibang choice kundi ang sundin iyon dahil ko maaatim na masaktan ang itinuring kong magulang dahil sa kagagawan ko, pinasok ko ang trabahong ito at tatapusin ko ito ng maayos at walang nadadamay na tao.
Imagine sabihin ba naman sa akin ni Boss yon ng nanglilisik ang mata, sino ba naman ang hindi matatakot hindi ba. Mahalaga sa akin ang mga bata sa ampunan lalo na si Sister kaya iyon ang ginawa ko. Ipinapangako ko sa sarili ko na babawi ako pagdating ng tamang panahon. Sana lang kapag dumating ang araw na iyon ay kaya ko na aminin at itama ang lahat ng mali na pwede ko pang magawa.
I can still remember the day when my parent’s died, they passed away because someone killed them. I was in the age that all i wanted was to play, i always seek for my parent’s attention since they both busy in work. I grew up with my nanny/yaya kasi naman maaga umaalis sila mama at papa tapos gabi na rin kung umuwi sila. Masyado sila busy sa trabaho na pati akong nag-iisang anak nila ay hindi na nila nabibigyan ng pansin.
Pero kahit na sa yaya ko lang ako lumaki ay pinalaki niya naman akong isang mabait na bata na lahat ng sabihin nila mama ay hindi ko kinokontra. I grew up in a complete family pero feeling ko broken kasi pakiramdam ko wala akong magulang. Minsan ko lang din makasabay sa pagkain sila mama dahil usually they eat outside with their boss and co-worker na never ko pinagselosan dahil bata pa ako nang mga panahong iyon.
Ang naaalala ko lang nanakasama ko sila kumain sa labas ay nang minsan nila akong isama sa dinner meeting nila ng boss nila, si Mr.Mckay, minsan ko lang siya Nakita at talaga naman na natakot ako sa kaniya dahil masyado matapang ang mukha niya at aakalain mo na ni minsan hindi siya ngumiti sa buong buhay niya. He have the attitude na makapagpapatahimik sa iyo.
I was ten years old that time at wala pang naiintindihan tungkol sa mga Negosyo at bagay-bagay. All I know was magkakasosyo sila sa Negosyo and that’s it.
Noong mga panahong ang alam ko lang naman gawin at maitulong sa mga magulang ko ay ang mag-aral ng mabuti. Lagi ako achiever sa class sa murang edad kaya maraming bata ang nagsasabi sa akin na naiinggit daw sila dahil galing ako sa mayamang pamilya kasi akala nila once na anak mayaman ka nasa iyo na ang lahat. Hindi nila alam na ang pinaka-mahalaga pa sa lahat ang hindi mo makukuha at iyon ay pag-mamahal at pag-aalaga ng magulang sa anak nila.
Hindi nila naisip na ako nga ang naiinggit sa kanila dahil kahit salat man sila sa pera sobra-sobra naman ang pag-aalaga ng mga magulang nila sa kanila unlike sa akin na kung hindi ko pa sabihin na i wanted to be with them ay hindi ko talaga sila makakasama. Kailangan ko pa nga sila pilitin minsan na umuwi nang maaga para naman kahit minsan ay makasabay ko sila kumain ng hapunan at ng hindi puro si yaya ang kasama ko.