Lagi ko din tinatanong si yaya noon kung bakit ganoon sila sa akin, ang laging sagot lang naman ni yaya ay para sa akin ang lahat ng pagsisikap na ginagawa nila. Pero hindi ba nila maisip na hindi ko naman hinihiling ang lahat ng meron ako ngayon sa kanila, lalo na kung ay kapalit ay ganito na wala silang oras para sa akin.
Lumaki ako na walang kaibigan, papasok lang ako sa school makikinig ng lesson then uuwi na after class, I do even attend piano class pero I never learned kasi hindi ko gusto iyon, only my parents wanted that and they never asked me about what I wanted or not. All they did was manipulating me, let me do the things that they wanted for me even if it’s tiring, suffocating and killing me.
Tuwing gabi kapag pinapatulog ako ni yaya ay nagkukunwari lang ako pero ang totoo ay inaantay ko sila mama na makarating muna ng bahay. Habang naghihintay inaaliw ko ang sarili ko sa pag-guhit ng larawan, since mahilig ako sa arts kaya okay lang sa akin na doon maubos ang oras ko.
Isang gabi alas nuebe ng gabi nang makatanggap si yaya ng tawag galing sa police station, gising pa ako ng mga oras na iyon dahil busy ako sa pagdo-drawing sa sketch pad ko. Ang alam ni yaya ay tulog na ako pero hindi pa dahil hindi ko kaya matulog ng alam kong wala pa sila papa. At yung tawag na yon yung biglang nagpakaba sa akin at nagpaiyak ng sobra. I was devastated that time when I heard yaya shouted my mom and dad’s name and she is crying even if I don’t know why, I felt lonely.
Bumaba ako sa hagdan nang pumupungas ang mata dahil nagpanggap ako na nagising lang ako sa sigaw at iyak ni yaya. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap habang humahagulgol sa pag-iyak habang sinasabi na “ wala na ang mga magulang mo Chelsea, ang sabi ng pulis ay may bumaril daw sa kanila at ikinamatay nila”.
Umiyak ako kasi hindi ko alam kung paano at bakit ganon ang nangyari sa kanila, umiyak ako habang nakalupasay sa sahig ng aming bahay pilit na ipinapasok sa isipan ko ang nangyari. Tinanong ko si yaya kung bakit pero wala din siyang masabi sa akin. Masakit! Sobrang sakit na namatay sila, iniwan nila akong mag-isa na hindi man lang ipinaramdam sa akin ang tunay na pagmamahal ng isang ina at ama.
Pinilit kong tanggapin ang katotohanan dahil wala na rin naman akong magagawa kundi ang tanggapin iyon. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at tuluyan ko na natanggap ang pagkawala nila. Matapos ang isang taon kinuha nila sa amin ang bahay at ang lahat ng naipundar nila mama at iniwan na rin ako ni yaya ni mag-isa. Eleven years old ako ng tumira ako sa tabing simbahan. Minsan nga ay nakakarinig ako ng panglalait galing sa mga kaeskwela kong walang ginawa kundi ang matamatahin ako.
Sinubukan ko makasurvive nang hindi humihingi ng tulong galing sa iba, kahit pa sa mga kamag-anak nila mama at papa dahil alam ko naman na kaya lang nila ako pinakikisamahan noon ay dahil sa may pera kami, pero ngayon na walang-wala na ay wala na rin silang pakielam sa akin kahit pa pamangkin nila ako. I tried to survive living alone in the street, I sell sampaguita flowers sa harap ng simbahan katoliko. At first umiyak ako dahil natakot ako na baka kung anong mangyari sa akin at baka hindi ko kayanin, pero lumipas naman ang ilang linggo ay nasanay na rin ako at unti-unti nang natututo mabuhay mag-isa.
Kumukuha ako ng sampaguita kung saan din kumukuha ang mga kapwa kong bata na nagtitinda rin sa kalye, sapat naman ang kinikita ko para sa pang araw-araw kong gastusin. Hindi na rin ako pumapasok sa paaralan dahil hindi ko naman kaya na pag-aralin ang sarili ko. Nag-focus ako sa pakikisalamuha sa ibang tao na nakakasalubong at nakikita ko sa simbahan para naman may kitain ako sa araw-araw.
Isang araw habang taimtim akong nagdadasal sa loob ng simbahan habang umiiyak ay naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin at nag-abot ng panyo pamunas ng luha kong patuloy na tumutulo.
“Iha ito ang panyo, punasan mo ang mga luha mo at alam ko na kung ano man ang hinihiling mo ay ipagkakaloob sa iyo ng panginoon.” Sabi sa akin ng isang madre, meron siya napakaamong mukha na may magandang ngiti, nakasuot ng mahabang damit na abot hanggang paa at may pandong ang ulo niya. Unang kita ko pa lang ay masasabi ko na madre siya.
“Maraming Salamat po.” Patuloy akong umiiyak sa hindi ko malaman dahilan. Matagal kami nagkakwentuhan ni Sister Tere at inalok niya ako na sumama na daw ako sa kaniya na agad ko naman tinanggap. Nang araw na iyon alam ko na dininig na ng panginoon ang hiling ko, at iyon ay ang bigyan niya ako ng isang taon matatanggap at aalagaan ako.
Masayang masaya akong umalis ng simabahan kung saan ako nagtitinda ng sampaguita kasama ang dalawa pang kasama ko magtinda. Dinala kami ni Sister Teresa sa isang bahay ampunan kung saan siya ang namamahala. Napakaraming bata doon na walang mga magulang na kagaya ko pero kahit ganoon ay kita ko ang saya sa mga labi at mga mata nila. Tinaggap nila kami ng maluwag at masaya at muli nakaramdam ako ng tunay na pamilya sa piling nila.
Yung minsan kong pagiging devastated sa buhay at napalitan ng sa tingin ko ay mas magandang buhay. Hanggang ngayon na kapag naaalala ko kung paano kami nagkakilala ni Sister Tere ay natutuwa pa rin ako. Nawalan man ako ng mga magulang at yaya ibinigay naman nang panginoon ang mas higit pa sa kanila. Sabi nga hindi ba there’s a rainbow always after the rain. Yung rain, iyon yung pagsubok na dumating ng iwan ako nila mama na inisip ko na sana isinama na lang din nila ako dahil iniwan nilang lahat ako mag-isa, iniwan nila ako ng biglaan na wala manlang pasabi na wala na silang balikan. Iniwan nila akong sanay na andyan ang prisensya nila kahit pa hindi ko sila nakikita at iniwan nila ako sa oras na kailangang kailangan ko sila at ang Rainbow naman na nagsilbi ay si Sister Tere na laging sinasabi na wala man akong mga magulang ay andyan naman silang lahat para sumuporta, magbigay ng pagmamahal at alagaan kaming mga nasa bahay ampunan.
Naging masaya ang pagtira ko sa bahay ampunan dahil bukod sa nagkaroon ako ng pamilya kong masasabi ay nagkaroon ako ng maraming kalaro at kaibigan, naituloy ko rin ang pag-aaral ko. Tuwing kaarawan namin ay ipinaghahanda din kami nila Sister. Marami din kaming natatanggap na regalo galing sa mga sponsor ng bahay ampunan. Regalo tuwing kaarawan, pasko at maging kapag bagong taon. Masaya ang tumira sa bahay ampunan pero hindi pa rin naiiwasan na unti-unti kami nagkakahiwalay dahil may mga magulang na walang kakayanan magkaroon ng sariling anak kaya ang ginagawa nila ay ang mag-ampon na ikinatutuwa naman naming mga bata dahil sa wakas ay magkakaroon kami ng bagong pamilya.
Nakakalungkot man isipin pero ang araw na iyon talaga ang dumarating. Maging ako man ay ilang beses nang binalak ampunin pero hindi ako pumapayag dahil alam ko na mas nangangailangan ng kalinga ang ibang bata kaysa sa akin.
Sa bahay ampunan, taon-taon ay mga grupong bumibisita para magbigay ng regalo, para turuan ang mga bata at para makipaglaro sa amin. Masarap sa pakiramdam na taon-taon ay ginagawa nila iyon para sa amin. Doon pa lang sa simpleng bagay na iyon ay sobrang saya na naming dahil nararamdaman naming na may mga taong handing magbigay ng tulong at walang kapalit. May mga taong handing ibigay ang lahat nang kaya nilang ibigay para sa mga batang lubos na nangangailangan.