"Dang, anong plano mo?"
"Plano saan?", tanong ko kay bff, ang gulo kasi e.
"Hay naku, noong nakaraan lang yun bes! Natural doon sa stranger who took your virginity duh?!", sabay irap sakin. Hindi ko nalang binigyang pansin ang irap niya, pero napaisip ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin?
“Alam ko na.”, sabi niya habang nakataas pa talaga ang index finger niya.
"Oh, ano na naman yan?" Walang gana kong tanong dahil puro palpak yung sinasabi niya.
"Hahahanapin natin yang lalaki na yan!"
"Anong natin?! Ikaw nalang no!" Sabi ko sakanya. Bakit ko siya hahanapin? Ang kapal niya naman, ano siya dreams para i-chase ko? At tiyaka, paano naman namin hahanapin ang lalaking ‘yon? Saan kami magsisimula? Sinong source, ‘di ba?
"Hep! Hep! Wag ka ngang nega, dali, tara na!", at kinaladkad niya ko palabas ng condo niya.
Kinakabahan ako, nandito kami ngayon sa tapat ng pintuan ng condo ni Xiander, "Bakit ba kasi kailangan pa nating puntahan kung pwede namang hayaan nalang?" Naiinis kong tanong. Tama naman diba? Hindi din naman naming gusto ang isa’t isa, para saan pa itong pagpunta na ko, kung one night stand lang naman ‘yon?
"Anong hayaan? Hindi ako papayag. If we can do something, even if it’s the impossible, we should do it!", sigaw niya kaya napatingin samin ang mga dumaan. Sinaway ko naman siya para manahimik, dahil nakakahiya.
"Aba, ako pa ngayon ang nakakahiya? Sino kaya sa atin ang ---"
"Oo na! oo na! Manahimik ka na jan!" Nakakainis. Babaliktarin na naman niya yung situwasyon Kung may kaibigan kayong ganyan ang tabas ng dila ay magpasalamat kayo dahil sila lang yung mga taong handang ipaglaban ka hanggang sa huli.
Mikee pressed the door bell many times. Napapailing nalang ako sa ginagawa niya. Kung ako man ang nasa loob maiinis akong sobra, I just hope that Xiander is not here.
Bumukas ang pinto at may dalawang taong naghahalikan. Gulat na gulat man kami ni BFF sa bumungad sa harapan namin, ay pinilit naming maging composed. Tumikhim si Mikee para mapansin kami ng dalawa.
“What?”, taas na kilay na tanong ng lalaki.
“As much as I want not to interrupt you guys, but we need to talk”, sabi ko.
“At bakit, sino ka ba?”, mataray na tanong ng babaeng kahalikan niya.
"Ahhmm, Cynthia, you can go for now. We'll see later.", sabi niya dito.
"Are you sure?", sabi ng haliparot sabay haplos sa dibdib ng mas malandi.
"Yeah, laters baby”, sabay palo sa pwetan nito. Tinitigan pa ko ng masama ng babae bago ito umalis, pero nginitian ko lang ito ng matamis na ngiti.
Pinapasok niya kami sa loob ng unit niya, pero si best friend ay lumabas ulit dahil may sinagot na importanteng tawag.
Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay bumuka na ang bibig ni Xiander, "what now?".
"Ahmm, ‘yung nangyari-", dahil sa pagkabigla at hindi alam ang sasabihin ay nauutal ako.
"Gusto mo ng part two?" then he smirked. The nerve of this guy!
"What?! Duh, asa ka naman! Nagpunta ako dito dahil hindi ako papayag na nakuha mo lang yun ng basta-basta!"
"Psshh, come on! I am a man, Yamiesha."
"What are you trying to imply then?"
"I can’t. If you want me to take the responsibility well, I am sorry. I can’t.", natatawa niyang sabi.
Just to save myself from embarrassment, “what?! Ganon-ganon nalang ‘yon? You barged into my life with take-out and now you are talking to me as if nothing happened?!” As much as I want to be calmed, baka sakaling mapapayag ko siyang i-try tong relasyon na ‘to, I cannot do that dahil sa tabas ng dila niya.
“I am sorry, but I know you want it too. It is also the reason why I do not want virgins because I don’t want a scenario like this”.
I think his statement really pushed me to the limit, na parang kasalanan ko pang virgin ako at parang kasalanan ko ding ginusto ‘ko ‘yon. At mas masama ang loob ko dahil nandito ako, thinking that he still a decent guy to try, and not a douchebag. Sa sobrang inis at sama ng loob ko, pinagbabato ko siya ng kung anong madampot ko.
“I hate you!”
“r****t!”
“Mapapatay kita!”, sige pa rin ako sa pagbabato, kahit na pinipigilan niya ako.
“Hey, that’s enough!”
“Walang hiya ka! Matapos mo akong tikman, ganon-ganon nalang yon?!”, dahil wala na kong madampot, tinanggal ko ang heels ko at ibinato sakanya. Saktong-sakto naman ito sa noo niya.
"I said, enough!”, tinignan niya ako ng masama pero tinignan ko din siya ng masama at tinaasan ko pa ng kilay.
"Leave, now.", walang kagatul-gatol niyang sabra. Nang dahil sa sobrang pagkakapahiya ngayon ay hindi ko napigilang umiyak.
"Bakit ka kasi hindi nagpipigil?", hindi ko mapigilang magtanong kahit umiiyak. Hindi ko mapigilang hindi siya sisihin dahil sa aming dalawa, siya ang nasa sarili.
"I told you, I am a man, so forget it.", walang alanganin niyang sabi.
“How could I forget it? Are you insane? s*x is sacred. It is a thing that only married couple who love each other can do it!”
"Yeah, s*x is sacred like love, but I don't love you. It was just a pleasure. I pleased you and you pleased me. Nothing more, nothing less." Napaupo ito sa sofa at hinalamos ang mukha. Tiningnan ako nito ng may pagmamakaawa. Nakikiusap ang kanyang mga mata na itigil ko na ang pangugulo. Hindi ko mapigilang masaktan, alam ko namang hindi niya ko gusto diba? Ganoon din naman ako, pero masakit pa din. Ginagawa ko ‘to para may maihaharap pa rin ako sa mga magulang, ma-save ang sarili ko, at along-lalo na ang pagpapahalaga sa sarili ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, kung bakit nagpabaya ako ng gabing ‘yon.