Chapter 5

1872 Words
“Yamiesha, sa left ka!” Tumango naman ako at pumunta sa sinasabing pwesto.   “Yamiesha, ano bang ginagawa mo?! Dito ka, okay? Dito!” Sigaw sa akin ng floor director, habang kinakaladkad ako sa pwesto ko. Ilang araw na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari, kahit habang nasa practice ay hindi ko maiwasang mapatulala dahilan kung bakit ako laging sinisigawan. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga, pinipilit kong maalala ang mga nangyari pero hindi lahat!   Sinubukan ko na ring puntahan ‘yung condo na pinagdalhan sa akin pero laging wala ang may-ari. Ayon sa guard na napagtanungan ko, Xiander Yee ang pangalan niya, ayaw namang ibigay ng receptionist ang personal information nito which I understand. Through Google, I was able to know more about him. Their family is well-known too, he is the son of Zander and Andre Yee, and have business in line with malls, clothing lines, et cetera.   “Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Mikee. I know deep inside nagtatampo pa rin siya, but it does not lessen the fact that he still cares for me. Nagtaka ako nung bigla niya akong hinigit palabas ng venue. “Uy dang, may practice pa tayo”, sabi ko sakanya.   “Ano ka ba, dang, lumipilad din ang utak mo kaya magrerelax tayo, okay? Akong bahala kay Madam Bim at Tita Beth”. Taman nga naman siya, ilang araw na akong stress pati sila mommy nagaalala na. Hindi ko naman pwedeng sabihin na, “Hi, mom and dad! I am virgin no more”. For sure, she will be hysterical, and I won’t let that to happen. Same as with my dad, baka mag-hire pa ng assassination team ‘yon. Okay nang sarilinin ko nalang ang lahat, yet I still have Mikee to keep me sane.   "Dang, anong plano mo?"   "Plano saan?", tanong ko kay bff, ang gulo kasi e.   "Hay naku, noong nakaraan lang yun bes! Natural doon sa stranger who took your virginity duh?!", sabay irap sakin. Hindi ko nalang binigyang pansin ang irap niya, pero napaisip ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin?   “Alam ko na.”, sabi niya habang nakataas pa talaga ang index finger niya.   "Oh, ano na naman yan?" Walang gana kong tanong dahil puro palpak yung sinasabi niya.   "Hahahanapin natin yang lalaki na yan!"   "Anong natin?! Ikaw nalang no!" Sabi ko sakanya. Bakit ko siya hahanapin? Ang kapal niya naman, ano siya dreams para i-chase ko? At tiyaka, paano naman namin hahanapin ang lalaking ‘yon? Saan kami magsisimula? Sinong source, ‘di ba?   "Hep! Hep! Wag ka ngang nega, dali, tara na!", at kinaladkad niya ko palabas ng condo niya.   Kinakabahan ako, nandito kami ngayon sa tapat ng pintuan ng condo ni Xiander, "Bakit ba kasi kailangan pa nating puntahan kung pwede namang hayaan nalang?"  Naiinis kong tanong. Tama naman diba? Hindi din naman naming gusto ang isa’t isa, para saan pa itong pagpunta na ko, kung one night stand lang naman ‘yon?   "Anong hayaan? Hindi ako papayag. If we can do something, even if it’s the impossible, we should do it!", sigaw niya kaya napatingin samin ang mga dumaan. Sinaway ko naman siya para manahimik, dahil nakakahiya.   "Aba, ako pa ngayon ang nakakahiya? Sino kaya sa atin ang ---"   "Oo na! oo na! Manahimik ka na jan!" Nakakainis. Babaliktarin na naman niya yung situwasyon Kung may kaibigan kayong ganyan ang tabas ng dila ay magpasalamat kayo dahil sila lang yung mga taong handang ipaglaban ka hanggang sa huli.   Mikee pressed the door bell many times. Napapailing nalang ako sa ginagawa niya. Kung ako man ang nasa loob maiinis akong sobra, I just hope that Xiander is not here.   Bumukas ang pinto at may dalawang taong naghahalikan. Gulat na gulat man kami ni BFF sa bumungad sa harapan namin, ay pinilit naming maging composed. Tumikhim si Mikee para mapansin kami ng dalawa.   “What?”, taas na kilay na tanong ng lalaki.   “As much as I want not to interrupt you guys, but we need to talk”, sabi ko.   “At bakit, sino ka ba?”, mataray na tanong ng babaeng kahalikan niya.   "Ahhmm, Cynthia, you can go for now. We'll see later.", sabi niya dito.   "Are you sure?", sabi ng haliparot sabay haplos sa dibdib ng mas malandi.   "Yeah, laters baby”, sabay palo sa pwetan nito. Tinitigan pa ko ng masama ng babae bago ito umalis, pero nginitian ko lang ito ng matamis na ngiti.   Pinapasok niya kami sa loob ng unit niya, pero si best friend ay lumabas ulit dahil may sinagot na importanteng tawag. Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay bumuka na ang bibig ni Xiander, "what now?".   "Ahmm, ‘yung nangyari-", dahil sa pagkabigla at hindi alam ang sasabihin ay nauutal ako.   "Gusto mo ng part two?" then he smirked. The nerve of this guy!   "What?! Duh, asa ka naman! Nagpunta ako dito dahil hindi ako papayag na nakuha mo lang yun ng basta-basta!"   "Psshh, come on! I am a man, Yamiesha."   "What are you trying to imply then?"   "I can’t. If you want me to take the responsibility well, I am sorry. I can’t.", natatawa niyang sabi.   Just to save myself from embarrassment, “what?! Ganon-ganon nalang ‘yon? You barged into my life with take-out and now you are talking to me as if nothing happened?!” As much as I want to be calmed, baka sakaling mapapayag ko siyang i-try tong relasyon na ‘to, I cannot do that dahil sa tabas ng dila niya.   “I am sorry, but I know you want it too. It is also the reason why I do not want virgins because I don’t want a scenario like this”.   I think his statement really pushed me to the limit, na parang kasalanan ko pang virgin ako at parang kasalanan ko ding ginusto ‘ko ‘yon. At mas masama ang loob ko dahil nandito ako, thinking that he still a decent guy to try, and not a douchebag. Sa sobrang inis at sama ng loob ko, pinagbabato ko siya ng kung anong madampot ko.   “I hate you!”   “r****t!”   “Mapapatay kita!”, sige pa rin ako sa pagbabato, kahit na pinipigilan niya ako.   “Hey, that’s enough!”   “Walang hiya ka! Matapos mo akong tikman, ganon-ganon nalang yon?!”, dahil wala na kong madampot, tinanggal ko ang heels ko at ibinato sakanya. Saktong-sakto naman ito sa noo niya.   "I said, enough!”, tinignan niya ako ng masama pero tinignan ko din siya ng masama at tinaasan ko pa ng kilay.   "Leave, now.", walang kagatul-gatol niyang sabra. Nang dahil sa sobrang pagkakapahiya ngayon ay hindi ko napigilang umiyak.   "Bakit ka kasi hindi nagpipigil?", hindi ko mapigilang magtanong kahit umiiyak. Hindi ko mapigilang hindi siya sisihin dahil sa aming dalawa, siya ang nasa sarili.   "I told you, I am a man, so forget it.", walang alanganin niyang sabi.   “How could I forget it? Are you insane? s*x is sacred. It is a thing that only married couple who love each other can do it!”   "Yeah, s*x is sacred like love, but I don't love you. It was just pleasure. I pleased you and you pleased me. Nothing more, nothing less." Hindi ko mapigilang masaktan, alam ko namang hindi niya ko gusto diba? Ganoon din naman ako, pero masakit pa din. Ginagawa ko ‘to para may maihaharap pa rin ako sa mga magulang, ma-save ang sarili ko, at along-lalo na ang pagpapahalaga sa sarili ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, kung bakit nagpabaya ako ng gabing ‘yon.    "Saan ba talaga tayo pupunta, bes?", takang tanong because the place is not familiar.   "Dang, wag ka ngang tanong nang tanong at ako'y naaalibadbaran sayo! Kaya manahimik ka jan!"   "E san ba kasi tayo pupunta at ayaw mong sabihin? Pa-tense ka rin e!"   "Basta! Ako na nga tong nagmamalasakit sayo kaya manahimik ka jan!"   "Oo na, oo na! Ang baho ng hininga mo eh!"   "Halla totoo?!" Bothered na tanong niya, kaya natawa ako. Singhal kasi nang singhal e. Buti sana kung mabango ang hininga niya e hindi naman!   "Nagtanong ka pa talaga? Kelan ang huli mong sipilyo?" Pang-aasar ko sakanya, “kaya pwede ba bago mo ko kausapin magsipilyo ka ha?!"   "Kala mo naman kung sinong mabango ang hininga! Hoy, Dang! Hinga ka." Utos niya sakin. Ano ako uto-uto? "Kanina pa ko humihinga, di ka nanaman nag-iisip." Pambabara ko sakanya.   "Sige na dali!" Pangungulit niya pa.   "Ayoko nga at bakit ko naman gagawin yon?!" Kala niya ha. Alam ko nayan tsaka niya sasabihin it's a tie. Luma na yon noh!   "Dali na!!!" Tsaka niya ko kinikiliti.   "Hahaha Ano ba—hahaha!" Patuloy parin niyang kiliti sakin kahit nagdridrive buti nalang walang masyadong dumadaan dito.   "Hah~ahaha.—hahahaha~~" Tawa parin ako nang tawa hanggang sa tumulo ang laway ko.   "Yuckkk! Bes, kadiri ka! Rabies! Rabies!" Nagsisigaw siya, ‘yung talagang diring-diri. Binatukan ko nga.   "OA ha! Tinuluan ka lang ng laway kala mo naman kung mamatay kana!"   "Bakit hindi ba?! Amuyin mo nga!"   " Gosh, eww! Dang, punasan mo dali! Tutulo na siya." OA din tong baklang ito e. Akala mo naman kung mamatay.   "Laway lang yan, wag kang OA!" Sigaw ko sakanya.   "Anong laway lang? Lang? Nilalang mo lang yun? Tae! Dang, lahat ng malalaking bagay nagsisimula sa maliit na lang na yan!"   "At anong konek ng laway na yan sa mga pinagsasabi mo?!" Takang tanong ko. Tama di ba? Ang layo layo sa topic.   "Aba! bahala ka ng pagkonektahin ah! Pati ba naman yan proproblemahin ko pa?" Mahabang litanya niya. Ayaw niya lang amining walang kakonek-konek mga sinasabi niya. Abnormal talaga kahit kelan.   "Ano ba?!" Sigaw ko sakanya nang pinunas niya sa mukha ko yung  laway.   "Kadiri ka talaga!"   "Mas kadiri ka! Laway mo kaya ‘to! Punasan mo!" Naghanap naman ako ng panyo para punasan.   "Oh, ayan. Masaya ka na?" Tanong ko sakanya.   "Hindi pa!", tsaka niya hinablot sakin ‘yung panyo at pinasok sa bunganga ko. Tawa lang siya ng tawa. Baliw na talaga to.   "After 123456789 years, nakarating din!" Sabi ko habang nilalanghap ang hangin. Dinala niya ko sa isang beach. Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko.   "Do you know why I brought you here?" Tanong niya sakin while facing the sea.   "Of course, I know ano tingin mo sakin bobo.", naasar na sabi ko.   "Wag ka ngang magmaldita, hindi ka maganda!", sabi niya.   "E, kung ako hindi maganda kamusta ka naman? Walang ganda?!"   "Knock-knock?" Pagwawalang bahala niya sa asar ko.   "Siguraduhin mong havey yan ha!Kung hindi susupalpalin kita!" Banta ko sakanya pero tumawa lang siya.   "Dali na!”   "O sige, take two."   "Knock-knock?"   "Who's there?" bored na tanong ko   "Miesha."   "Miesha, who?"   "Di na virgin (hoo), si Mieshang di na virgin. Di na Vi-i-irgin" Kanta niya yung tono ng Like a Virgin by Madonna.   "Walang hiya ka! Dinala-dala mo ko dito pero aasarin mo lang pala ako?!"   "Shield!" Sabi niya naman with matching crossed arms. Feeling power ranger?   "Anong shield-shield ka jan?!" Takang tanong ko.   "Alam kong sasaktan mo ko nagreready lang.", tsaka siya ngumisi.   "My flower. Ouch ou-ch!" Reklamo niya. Sinipa ko lang naman ang junior niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD