------- ***Third Person’s POV*** - Sunod-sunod at walang tigil ang bawat hampas na pinakawalan ni Aiden gamit ang matalim at mabigat na latigo. Sa bawat bagsak nito sa balat ng tatlong nakagapos na lalaki ay umaalingawngaw ang tunog ng latigong humahampas, kasabay ng mga daing, ungol, at hikbi ng mga ito. Walang nagawa ang mga ito kundi tiisin ang hapdi, umungol sa matinding sakit, at humahalinghing na tila ba mga hayop na inuusig. Pagkatapos ng halos sampung minuto na paghahampas sa mga ito ay tumigil rin si Aiden sa kanyang ginagawa. Pero yong galit na naramdaman niya, sa tingin niya, hindi man lamang nababawasan. “Buong akala niyo ba talaga na makakatakas kayo sa galit ko dahil sa mga pinagsasabi ninyong paninira kay Zariyah? Nagkamali kayo nang malaki!” mariin at galit na galit na

