------- ***Zariyah’s POV*** - Ilang araw ding hindi umuwi si Aiden. At nang bumalik siya, agad kong napansin na may kakaiba sa kanya. Ang kanyang mga mata ay tila nagningning, ngunit sa kabila ng ningning na iyon ay may bahid ng lungkot na hindi kayang maitago. Parang may dala siyang bigat na pilit niyang isinasantabi, ngunit hindi maikubli ng kanyang titig. Gusto ko sanang itanong kung kumusta ang punta niya sa San Martin, ngunit pinili kong manahimik. Pakiramdam ko kasi ay wala naman akong karapatan. Baka ikagalit pa niya ang tanong ko, at ayaw ko nang masundan pa ang mga pagkakataong nasaktan ako sa bawat matalim niyang mga salita. Sa mga nakaraang araw, nakabalik na rin ako sa pag-aaral. Isang linggo na ang lumipas nang hindi ako ginugulo ng grupo ni Liezel. Ngunit aaminin ko, sa t

