-------
“It’s almost 8 years since we were together. In those 8 years, I have endured everything dahil mahal kita. I hope and hope that someday, may someday… my unrequited love for you will be rewarded. Sa walong taon ba na magkasama tayong dalawa, hindi mo ba talaga ako natutunang mahalin? O kahit katiting na pagmamahal, hindi mo ba 'yan naramdaman para sa akin?”
Sunod-sunod sa pagtulo ang luha ko habang itinatanong ko ito kay Aiden. Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. Umaasa ako na makakakita ako sa kanyang mga mata ng kahit anong palatandaan na kahit papaano ay may nagbunga rin sa walong taong pananatili ko sa kanyang tabi. Hindi ako umalis; hindi ko siya iniwan tulad ng ipinangako ko sa kanya. Tanga akong umasa na baka mamahalin din niya ako pabalik.
Pero mas lalo lang nabasag ang puso ko, dahil ang tanging nakikita ko sa kanyang mga mata ay kalamigan. Parang binalot ng yelo ang puso ko sa tanging nakikita ko sa kanyang mga mata. Humahapdi ang sugatan kong puso. Nanginginig ang kalamnan ko.
“Sabihin mo sa akin, Zariyah, paano ko mamahalin ang tulad mo? In death, you betrayed Hannah; ikaw ang rason kung bakit hindi niya nakamtan ang hustisya. I have hated you to hell since the day you confessed a lie to the court, since the day you signed that testimony. Noong namatay si Hannah, buong akala ko kasabay nang inilibing ang puso ko sa kanya; pero umibig ako muli — at alam mong hindi ikaw ang babaeng iyon,” ani niya. Nakipagtitigan siya sa mga mata ko; wala akong nakita na kahit anong alinlangan sa kanyang mga mata. Totoo. Totoo ang mga sinasabi niya. Ito ang nakikita ko sa mga mata niya.
“Tulad ng sabi ko, isang beses lang nagmamahal ng totoo ang isang Montreal; ang pangalawang beses na umibig ako muli ay isang milagro para sa amin mga Montreal. Pero ang pangalawang beses na iyon ay hindi pala magiging akin. At hindi na ako sigurado kung sa ikatlong pagkakataon ay iibig pa ako muli. At kung iibig nga siguro ako muli… sinisiguro ko sa’yo na hindi ikaw ang babaeng iyon, Zariyah. So — stop hoping, Zariyah. What I have for you is only lust — never been love and never will be.”
Buong akala ko namanghid na ang puso ko dahil sa pagkakabalot nito ng yelo. Pero nagkamali ako, dahil sa kabila ng pagyeyelo nito, ramdam pa rin nang husto ang sakit na parang hinati ang puso ko. Napakasakit. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang sakit. Para akong binalatan ng buhay sa sakit.
Ginawa ko ang lahat. Ginawa ko ang lahat ng gusto niya. Maraming pagkakataon na puwede akong umalis, pero mas pinili kong manatili. Pakiramdam ko walang saysay ang buhay ko pag hindi ko siya kasama. Sa kabila ng sakit na naramdaman, para sa akin siya ang dahilan kung bakit tumitibok pa rin ang puso ko. Noong pakiramdam kong nawala na sa akin ang lahat, si Aiden lang ang nanatili. Masakit, pero pinili kong masaktan kaysa ang pakiramdam na para akong patay.
Nagtiis ako, nakipagsapalaran, at sumugal sa pag-ibig — dahil siya ang tanging dahilan kung bakit ako nabubuhay. Nasanay na akong kasama siya, at sa bawat sandaling wala siya, pakiramdam ko’y may kulang sa akin.
Loving him is painful; loving him is hard; yet I cannot stop myself from loving him — for in that love I find the very reason to feel alive.
Pero ngayon….
Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong si Aiden. Basta na lang niya akong iniwan pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Pinunasan ko din ang luha ko nang nawala na siya sa paningin ko.
Napatingin ako muli sa papel na hawak ko. Isa itong ultrasound report. Magkaka-baby na kaming dalawa ni Aiden, pero — tulad ng sabi ko, ang magiging desisyon ko ay nakadepende sa magiging sagot niya.
“Goodbye, Aiden.” Bulong ko sa hangin; hindi niya kailanman maririnig ang mga ito. “For 8 years, you are the reason I am living. I can’t walk away from you ’cause I felt I had nothing without you. But now — God gave me a reason to live again for myself. Itong buhay na nasa akin ngayon, siya ang blessing na ibinigay ng Panginoon sa akin para makapagsimula ako muli na wala ka. Those 8 years that I am with you might be full of pain, but they’ve always been a part of my beautiful memories with you. Lagi kong iniisip to always take the path you are taking, but now… kailangan ko nang lumiko at dumaan sa daan na wala ka pero puno naman ng pag-asa.” Tuloy-tuloy ang luha ko, walang tigil habang ibinubulong ito ng isip ko sa hangin. “Now that you already have a chance to have the woman you love — umaasa ako na maging masaya ka na kasama siya. I don’t hate you. I love you but — I don’t want to love you anymore.”
-
-
Sa mga nagtatanong dahil nakasubaybay sa mga Montreal ko, si Aiden ay bunsong anak nina Alfred at Claudia (The Father of my Child, isang Montreal ang ama niya pero anak ito sa labas). Si Aiden din ang pinakabata na Montreal sa 2nd gen.at ang story niya ang pinakahuli sa series ng Montreal Property 2nd gen. Sa 2nd gen. meron akong 28 stories, 14 sa mga ito ay nakapublished na dito. Ang iba ay karugtong lang sa story ng mga magulang nila.
-
Salamat in advance sa mga magiging readers ko nito. Godbless sa inyo. Love lots.
Not a perfect story. You may meet a lot of grammatical error and typos along the way.
All rights reserved @ sweetnanenz year: 2025
Original version2020