-------- ***Zariyah’s POV*** - Tahimik ang buong apartment nang pumasok ako. Humakbang ako papunta sa sofa para sana makaupo at kahit papaano ay makapagpahinga. Pagod na pagod ako mula sa mahabang oras ng duty ko sa ospital—nakakapagod ang buong shift ko ngayon, at dagdag pa ang nakakaubos-lakas na biyahe pauwi. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaupo sa sofa, narinig ko ang tawanan ng isang babae at lalaki mula sa may kusina, kasabay ng masigla at tila masayang usapan ng dalawa. Kilala ko ang boses ng lalaki—sigurado akong si Aiden iyon. Pero ang babae… hindi ako sigurado kung si Azalea ba iyon. Sa mahabang panahon, iisang babae lang naman ang alam kong malapit kay Aiden—si Azalea, ang babaeng itinuturing kong karibal sa puso niya, kahit pa may asawa na ito. Bagaman ramdam ko ang ka

