-------- ***Zariyah’s POV*** - Paulit-ulit na umuukit sa aking isipan ang tanong—hanggang kailan ko kaya kakayanin ang mga pananakit ni Aiden sa akin, mula nang talikuran ko ang lahat ng rason at tuluyan akong nagpadala sa isang pag-ibig na alam ko naman mula pa sa simula na hindi kailanman magiging akin. Hindi lamang dahil sa katotohanang hindi ako magawang mahalin ng lalaking itinuring kong lahat sa buhay ko, kundi dahil na rin sa masakit na realidad na kinamumuhian niya ako. Ngunit ngayon, dahil sa katotohanang buntis na ako sa anak namin, tila nakakita ako ng munting liwanag—liwanag na nagbibigay ng pag-asa na baka, sa pagkakataong ito, magbago na talaga ang lahat. Ilang minuto matapos ang mainit naming pagniniig ni Aiden, agad siyang umalis ng kama at tumayo upang magbihis. Tahimi

