-------- ***Zariyah’s POV*** - Note: Ginawa ko na lang ang nararated ni Zariyah ang pangyayari through the years para diretso na tayo sa mga mahahalagang pangyayari sa kwento. Hindi din kasi pwedeng mag- skip dahil parang kulang ang kwento. Malapit na tayo sa Prologue. - “Bakit? Bakit mo ginawa ito sa akin, Carlo? Buong akala ko, tunay ang ipinapakita mong pagkaalala sa akin. Akala ko, talagang pinahalagahan mo ako,” ang sabi ko kay Carlo nang malaman ko ang lahat ng ginawa niya. Ang papel niya kung bakit muntikan na akong mapahamak. “Buong akala ko, tunay kitang kaibigan.” Naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ko ito, at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sinadya pala niyang dalhin ako sa hardin ng restaurant nang gabing iyon. Maging ang inakala kong nakita kong si Dav

