Pagtakip sa katotohanan!

1662 Words
------ ***Zariyah’s POV*** - “After hearing the testimony of the witness, Zariyah Rosales, the court finds the following: The deceased, Hannah Diaz, voluntarily got into the vehicle and insisted on driving. She made this choice because the accused, David Mendoza, was under the influence of alcohol and drugs at that time. The accident that tragically claimed Ms. Diaz’s life was caused by a mechanical failure—specifically, the vehicle had no brakes. Let it be clear: David Mendoza did not cause this accident. He bears no criminal responsibility for what happened. Now, although the trial could not continue because Mr. Mendoza is in a coma—and while proceeding in his absence could infringe upon his rights under the Bill of Rights—the court recognizes that the evidence presented is sufficient to establish his innocence. Therefore, this court acquits David Mendoza of all criminal responsibility in relation to this incident. Furthermore, given that he is medically incapacitated and there is no legal liability, the court permits his family to take him abroad for the necessary medical treatment. This judgment is rendered based entirely on the evidence and testimony before the court. SO ORDERED.” Ito ang sinasabi ng judge. Paulit-ulit na umalingawngaw sa aking pandinig, kumakain sa bawat sulok ng aking konsensya. Ang bawat salita ay tila apoy na unti-unting sumusunog sa aking kalooban. Ang iyak ng mga magulang ni Hannah ay parang napakatalim na kutsilyo na paulit-ulit na isinaksak sa aking puso. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil rin sa mabigat na pasaning dala ko sa aking konsensya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata ng mga magulang ni Hannah. Ang kanilang mga mata, puno ng sakit, hinanakit, at panghuhusga, ay labis na mabigat para sa akin. Hindi ko kayang harapin ang damdaming iyon, kaya nanatili akong nakayuko, tila ba bawat galaw ay nangangailangan ng higit sa aking lakas. Matalik kong kaibigan si Hannah. Mahal na mahal ko siya. Ngunit ako mismo ang naging instrumento ng kanyang hindi pagkakamit ng hustisya—ang hustisyang karapat-dapat lamang sa kanya. Dahil sa aking kahinaan, dahil sa takot, at dahil sa kawalan ng magagawa, hindi ko siya nagawang ipagtanggol. Hindi dahil sa utang na loob, kundi dahil sa takot na kumakain sa akin. Nanatili akong nakaupo, ramdam ang panghihina sa bawat hibla ng aking katawan. Nahihirapan akong tumayo, nahihirapan akong huminga ng maluwag. Mayamaya… Ipinikit ko ang aking mga mata, inaalala kung paano at bakit humantong sa ganito. Kung bakit imbes ipaglaban ko ang katarungan para sa matalik kong kaibigan, ay ako ang kusang nagtakip ng katotohanan. (Flashback…) “Kinidnap ni David si Hannah. Iyan ang totoo. Iyan ang totoong nangyari,” umiiyak kong sabi sa mag-asawang Mendoza. “Hindi totoong walang brake ang kotse. Pakiramdam ko, may nangyayari sa loob ng kotse, at dahil na rin sa lasing at tila nasa impluwensya ng droga si David, kaya nabangga ang kotse.” Panindigan ko sa katotohanan kahit pa pilit nilang ginugulo ang isip ko sa kung ano ang gusto nilang paniwalaan ko. Kaharap ko ngayon ang mag-asawang Mendoza, kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala, ngunit sa pagkakaalam ko, isa siyang heneral at malapit sa mag-asawang Mendoza. Gusto kong isigaw sa kanilang mga mukha ang katotohanan. Kahit gusto kong bayaran ang utang na loob ko sa mag-asawang Mendoza, hindi ito ang paraan. Hindi sa paraang maaaring hindi na makamtan ni Hannah ang hustisya. Gusto nilang baliktarin ang katotohanan. Bilang nag-iisang saksi sa nangyari, gusto nilang magsinungaling ako. Gusto nilang sabihin ko sa korte na kusang sumama si Hannah kay David, kahit ang totoo, talagang napipilitan lamang si Hannah. Kitang-kita ko kung paano sapilitan isinakay ni David si Hannah sa kotse. Humarang pa nga ako at sinubukang pigilan siya, ngunit itinulak ako ni David. At dahil labag sa kalooban ni Hannah ang pagsama kay David at ginamitan pa siya ng pwersa, masasabing kidnapping ito. Puwedeng makulong si David hanggang 20 taon o higit pa. Sa puntong ito, wala nang takas sa batas si David. Idagdag pa rito ang katotohanan na siya ang nagmamaneho ng kotse at nabangga ito dahil nasa impluwensya siya ng droga at alkohol. Sa pagkakaalam ko, puwede itong humantong sa hatol na Reclusion Perpetua (humigit-kumulang 40 taon) dahil sa kidnapping with homicide na nangyari. Kung nasa impluwensya lamang ng droga at alkohol si David at walang kasamang kidnapping, hanggang 6 na taon lang siya makukulong kahit pa namatay si Hannah. Ngunit ayaw pa rin ng mag-asawang Mendoza. Ayaw nilang makulong ang anak nila at magkaroon ito ng record bilang isang ex-convict, dahil makakasira iyon sa imahe ng kanilang pamilya. Isa pa, nag-iisang anak nila si David. Nasa coma pa si David, kaya hindi puwedeng simulan ang trial. Labag iyon sa kanyang karapatang pantao. Ngunit puwede na akong magsalita bilang saksi sa nangyari. Planong dalhin ng mag-asawang Mendoza sa ibang bansa si David para doon ipagamot. Pero impossibleng mangyari iyon kung may kaso pa siya dito sa Pilipinas. Kung maglalabas ako ng aking statement, at mapapatunayan kong walang pananagutan si David sa batas sa nangyari sa aksidente at pagkamatay ni Hannah, puwede na siyang umalis ng bansa. “Zariyah… nakikiusap ako sa’yo.” Umiiyak na sabi sa akin ni Dr. Mendoza. Hinawakan niya ang kamay ko, halos lumuhod sa harapan ko. Ramdam ko ang init ng kanyang mga luha sa aking palad. “Kahit man lang sa katotohanan, buhay ka pa hanggang ngayon dahil sa akin. Kung hindi man lang… para sa pinagsamahan ninyo ni David. Para mo na rin siyang kuya—kahit kailan, hindi siya naging masama sa’yo. Lagi ka niyang pinakitaan ng kabutihan.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit, ang titig niya ay punong-puno ng taimtim na pakiusap, halos nakaluhod na siya sa sahig. “Wala na si Hannah. Malungkot din ako sa nangyari sa kanya. Alam mong gustong-gusto ko siya para kay David, pero hindi na maibabalik ang buhay ni Hannah. Si David… puwede pa rin niyang ayusin ang buhay niya. Sigurado akong hindi niya sinasadya ang nangyari. Mahal na mahal niya si Hannah. Hindi niya gustong patayin ito.” “Hindi… hindi ko kaya. Paano ang hustisya para kay Hannah?” Umiiyak kong sagot, ramdam ang matinding kirot sa dibdib ko. Napailing- iling din ako. “Paano…” “The hell with justice,” galit na putol ng kasamang lalaki ng mag- asawa sa akin. Bigla niyang hinugot ang baril at itinutok sa ulo ko. Napasigaw ako, akala ko totoong babarilin na niya ako. “Arnold! Ibaba mo yang baril mo!” Napatingin si Dr. Mendoza sa kanya, ramdam ang takot sa bawat galaw. Habang si Mr. Mendoza ay nakatitig lamang, matalim ang kanyang mga mata—parang naubos na rin ang pasensya sa akin. “Ano ba, Arnold?” nanginginig sigaw ni Dr. Mendoza. “Listen to this woman—wag mong ubusin ang pasensya ko. Hindi mo ako kilala, pero maniwala ka: I can make you and your grandmother disappear without a trace. Kahit ngayon din, kaya kitang patayin para wala nang pwedeng saksi, pero dahil naniniwala ako na may magandang kinabukasan pa para sa’yo—at baka pati sa lola mo—kaya nakikiusap kami sa’yo ngayon.” Mariin niyang sabi, nanlilisik ang kanyang mga mata, halos umapaw sa galit at banta. Nanginginig na ang buong katawan ko. Takot na takot ako. “It’s a good thing na kilala ko ang unang nag-responde sa aksidente. We did some things para lumabas na total accident ang nangyari. Ang kailangan lang namin sa’yo ay patunayan mo sa pamamagitan ng salita mo ang pinalabas naming estorya.” Mas lalo pa niyang idiniin sa ulo ko ang baril. Ang t*bok ng puso ko ay parang malakas na tambol sa dibdib, halos mabingi ako nito. Lahat ng kaalaman, alaala, at konsensya ko ay nagbabanggaan sa loob ng aking isipan. “Magkasama kayo ni Hannah. Nakipagkita siya kay David, nagplano na umalis ang dalawa, at dahil nasa impluwensya ng alcohol si David—idagdag pa ng droga bilang medical drugs niya—kaya nagpasya si Hannah na siya ang magmaneho” aniya, mariini. “Ito lang ang sasabihin mo sa korte, at kami na ang bahalang mag-provide sa iba.” Kinasa niya ang baril, at halos maramdaman ko ang init ng bakal sa aking templo. “Arnold!” Napasigaw muli si Dr. Mendoza, pilit pinipigilan ang lalaki. Naninigas na ako, napatulo na ang luha ko sa takot. “Sa pagkakaalam ko, isa kang matalinong babae, at dahil sa isang scholarship, kaya nakapag-aral ka ngayon sa isang magandang unibersidad. Magandang kinabukasan ang naghihintay sa’yo, at malaki ang posibilidad na nabigyan mo rin ng magandang buhay ang lola mo. Hindi ba’t iyan ang pangarap mo?” Tulong luha lang ako; hindi ko magawang magsalita, tila naumid ang dila ko at nanginginig ang buong katawan ko sa takot. “Ngayon, mamili ka. Nangyayari pa ang pangarap na iyan, o ngayon pa lang puputulin ko na yan.” (End of Flashback….) Tumulo muli ang luha ko. Aminado ako—natatakot ako. Masyado akong kinakain ng takot, hindi lamang para sa sarili ko kundi para rin sa lola ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanilang gusto. Alam ko sa kaibuturan ng aking puso na habang buhay kong dadalhin sa aking konsensya ang ginagawa ko ngayon. Tumayo ako upang umalis, subalit nahagip ng mga mata ko si Aiden. Napaurong ako, naninigas sa takot, dahil sa matalim na titig niya sa akin. Ang tindi ng tingin niya ay parang handang saksakin ako sa bawat segundo, at ramdam ko ang bigat ng galit na bumabalot sa kanya. Alam kong galit siya sa akin. Alam kong kinamumuhian niya ako sa sandaling ito. Hindi man niya alam ang buong katotohanan, malaki ang tiwala niya na kasalanan ni David ang nangyari at may pananagutan ito sa batas. Matibay ang kanyang paniniwala, kaya alam kong galit na galit siya sa akin—at ramdam ko ang init ng pagkondena at sama ng loob niya na bumabalot sa buong pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD