--------- ***Zariyah’s POV*** - Dinala ako ni Aiden sa isang bahay. Siguro sa mga tulad niyang anak- mayaman, simple lang siguro ang bahay na ito para sa kanya, pero para sa tulad kong lumaki sa squatter area at nakatira lamang sa isang barong-barong, para na itong isang mansyon sa aking paningin. Sa totoo lang, hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba talaga ang plano ni Aiden para sa akin. Galit siya sa akin—sigurado ako roon—at alam kong nais niya akong pahirapan, ngunit sa kabilang banda, pakiramdam ko ay palagi naman siyang nariyan upang damayan at sagipin ako. Kung hindi siya dumating, baka kung saan na ako pupulutin ngayon. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo. “Dito ka na titira,” matipid niyang sagot. “May dalawang kwarto dito. Ang nas

