------- ***Zariyah’s POV*** - Kinakabahan ako sa sinabi niya. Ang lakas ng t*bok ng puso ko, para bang may naghahabulan dito sa loob ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko ito mapapakalma. Aminado ako, may kakaibang sensasyong gumapang sa akin dahil sa kanyang titig. Kahit anong gawin ko, alam kong darating ang oras na bibigay din ako sa kanya. Ngunit hindi pa ngayon. Masyado pang sariwa at masakit ang mga salitang ibinato niya sa akin. Namimigat pa ang dibdib ko sa mga ito. “Sabi mo sa akin, nirerespeto mo ang lola ko. Makakaya mo bang wasakin ang apo niya sa mismong araw ng libing niya?” Mahina ngunit matatag kong sambit iyon, ginamit ko ang konsensya niya bilang sandata para makawala sa kanya. Bahala na kung lalo lamang itong magdagdag sa galit na kinikimkim niya laban sa aki

