---- ***Zariyah's POV*** - Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lahat ng apartment na kaya ko lang sa budget ay tumanggi sa akin. Pati yung apartment na titirhan ko sana—na napag-usapan na namin ng may-ari at na-e-deal ko na—biglang binawi ang napag-kasunduan. May titira raw na kamag-anak, biglaan daw. Ibinalik naman nila ang dineposito ko pati ang advance. Tinanggihan din ako sa iba pang mga pinuntahan ko. Pagod na pagod na ako sa paglalakad. Iniwan ko nga ang mga gamit ko sa baggage counter kanina para hindi na ako masyadong maabala nito. Tahimik nga akong nakaalis mula sa apartment ni Aiden, pero parang pinapahirapan naman ako na makahanap ng matutuluyan. Nakaupo ako ngayon sa loob ng isang waiting shed, naghihintay ng taxi na

