------ ***Zariyah’s POV*** - “No!” Mariin ang sabi ni Aiden sa akin matapos kong sabihin sa kanya na lilipat na ako ng tirahan dahil malayo ang apartment ko sa ospital na pagtatrabahuhan ko. Kailangan ko ng mas malapit na lugar dahil hindi palaging tiyak ang oras ko sa ospital. May mga araw na bigla akong kailangang mag-overtime o pumasok nang hindi inaasahan. Kaya mas praktikal na tumira ako sa lugar na malapit lang, para makauwi agad at makapagpahinga. “Hindi mo ako iiwan, Zariyah!” galit niyang sabi, halos bumaon ang bawat salita sa tenga ko. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo noon? Nangako kang mananatili ka sa tabi ko hangga’t kailangan kita. At makakaalis ka lang kapag ako mismo ang nagsabi sa’yo.” Madilim ang anyo niya—parang may bagyong namumuo sa likod ng kanyang mga mata.

