Ang tanong!

1871 Words

------- ***Zariyah’s POV*** - Narinig ko ang boses ni Carlo, ngunit kahit na tinawag niya ako ay hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Ilang araw ko na siyang iniiwasan, wala akong magawa kundi sundin ang gusto ni Aiden. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayahan ni Aiden—kung totoo bang kaya niyang pakialaman ang scholarship ni Carlo kapag sinuway ko siya. Pero sa paraan ng kanyang pananalita, alam kong hindi siya nagbibiro. Kaya bago pa siya may magawa, pinili ko nang umiwas kay Carlo. Wala talaga sa plano kong pansinin si Carlo, pero napilitan akong huminto nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa akin. Napalunok ako at pilit na kinalma ang sarili bago ko siya hinarap. Pinilit kong ngumiti—ayokong mapansin niya na sinasadya ko siyang iwasan. “Carlo,” sabi ko, sinikap ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD