------- ***Zariyah’s POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - Napatingin ako sa cupboard, at parang biglang nanubig ang aking bagang nang mapansin ko ang garapon ng Nutella. At bakit naman hindi? Naging comfort food ko na ito. Mabilis ko itong kinuha mula sa loob ng cupboard, sabay bukas ng refrigerator para kunin ang slice bread na naroon. Nang makuha ko na ang tinapay, agad akong pumunta sa mesa, inilapag ang plato, at walang pag-aalinlangang pinahiran ng makapal na Nutella ang ibabaw ng tinapay. Pagkatapos ay kinagat ko iyon—at sa unang lasa pa lang, parang dinala ako sa langit. Ang tamis, ang lambot, at ang pamilyar na lasa ng paborito kong tsokolate spread ay tila pansamantalang nagtanggal ng bigat sa dibdib ko. Kain lang ako nang kain, sunod-sunod, halos hindi na nag-iisip. P

