------- ***Third Person’s POV*** - “Maliban sa mga pasa at ilang sugat, wala akong nakitang ibang palatandaan ng matinding abuse sa katawan niya. Pero kapansin-pansin na medyo marami ang pasa niya, at base sa itsura, tila ilang beses siyang hinampas gamit ang isang latigo. Mabuti na lamang at naagapan agad, dahil kung hindi, malaki ang posibilidad na iyon pa ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Sa ngayon, may kaunting lagnat siya pero unti-unti rin iyong hihina. Magrereseta ako ng mga gamot para sa kanya, partikular para sa mga pasa at sugat niya.” Ito ang sinabi sa kanya ng pinsan niyang si Sachar matapos suriin si Zariyah. Muling bumalik sa kanyang dibdib ang matinding pagkabahala at takot sa mga sumunod na alaala—lalo na ang sandaling mawalan ng malay si Zariyah kanina habang bum

