------- ***Third Person's POV*** - "Anibersaryo na nina Mommy at Daddy bukas. May nabili ka na bang regalo?" tanong sa kanya ng ate niyang si Princess, nandito siya sa bahay ng pamilya nito. Iinom lang sana siya ng tubig bago umalis, pero naabutan niya ang kapatid niyang abala sa kusina, tinutulungan ang kasambahay sa paghahanda ng hapunan para sa pamilya nito. May kailangan kasi siya sa asawa nitong si Jared Saavedra, na siyang boss ng Saavedra Empire, kaya siya nandito. Sa tingin niya, panahon na para humingi siya ng tulong sa Saavedra Empire upang mahanap na si Arnold Sanchez. Kailangan na niya itong matagpuan, sapagkat iyon lamang ang tanging paraan para matiyak niya ang kaligtasan nina Zariyah at Aldrine. Dumiretso na agad siya kay Jared at hindi na lumapit pa sa kanyang ama par

