------- ***Zariyah's POV*** - Pauwi na ako at kasalukuyang naghihintay ng jeep na masasakyan. Kanina, nag-alok si Carlo na ihatid ako ngunit tinanggihan ko iyon. Nahihiya rin kasi ako sa kanya, at higit sa lahat, hindi niya dapat malaman kung saan ako nakatira. Isang lihim na kailangang manatiling nakatago ang katotohanang magkasama kami ni Aiden sa iisang bahay. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong papalapit ang jeep na balak kong sakyan. Ngunit bago pa man ito tuluyang makarating sa tapat ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha, at nakita kong si Aiden ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag niya kaya hindi ko na nagawang pumara sa jeep. Tuluyan ko itong nakaligtaan dahil doon. “Ai—” “Where are you?” agad na bungad ng nasa kabilang linya. “Bakit ba?” Hindi ko

