----- ***Third Person’s POV*** - Galit na inihinto ni Aiden ang kotse. Mariing nakuyom ang kanyang kamao at nanlilisik ang mga mata niya. Pakiramdam niya’y naapakan ang kanyang pride dahil sa mga pinagsasabi ni Zariyah kanina—para bang sinasabi nitong wala siyang ginagawang mabuti para dito. Kung alam lang ni Zariyah ang lahat ng ginawa niya para mapagaan ang buhay nito, mga bagay na hindi niya naman kailangang gawin lalo na’t kinamumuhian niya ito. Si Zariyah ang dahilan kung bakit hindi nakamit ni Hannah ang hustisya. Ngunit dahil sa pangako niya kay Hannah—hanggang sa huling himlayan nito—na hindi niya pababayaan si Zariyah, hindi niya totally magawa ang gusto niyang gawin para mahirapan ito. Mahalaga si Hannah sa kanya. Totoong minahal niya ito. At dahil mahalaga rin si Zariyah ka

