Life is a series of a million tiny miracles. Take the time to notice them. Kagat na ang dilim nang idilat ko ang aking mga mata. Tinatanglawan ng malamlam na liwanag ang kabuohan ng aking silid na nanggagaling sa ningas ng gasera. Iinot-inot akong bumangon doon, bahagyang hinawakan ang nananakit na aking sentido. Marahang bumukas ang pintuan, iniluwa noon ang aking matalik na kaibigan. Nang makita niya akong gising na ay malawak siya sa aking ngumiti. “Pinakialaman ko na ang inyong kusina.” proud na aniyang mabilis at patingkayad na naupo sa aking harapan, “Iniinit ko ang ilan sa mga pagkaing aking in-order sa labas.” hinawakan niya ako sa kamay, “Halika na, kumain na tayo.” “Hindi ka pa ba umuuwi?” takang tanong ko na tinanggal na ang kumot sa aking isang binti, “Gabi na Eriza--” “S

