Ang taong iyon na anibersaryo ng aking mga magulang ay kakaiba. Malakas ang ihip ng hangin pero wala namang ulan. Makulimlim ang kalangitan. Natatakpan ng mga ulap ang pangiti palang na haring araw sa kalawakan. Mabilis akong bumaba ng sasakyan ni Eriza, tumatakbong tinungo at binaybay ang daang patungo sa libingan ng aking mga magulang. Ilang buwan din akong hindi nakadalaw sa kanila at nakabisita. Ganundin siguro si Geron. “Miura, hintayin mo naman ako!” sigaw ni Eriza na kaagad na hinabol ako, “Huwag ka namang magmadali diyan, kumalma ka lang!” Nakangiting nilingon ko siya. Pagak akong tumawa nang makitang hinihingal na siya. Malawak pa akong napangiti nang maamoy ang pamilyar na ihip ng hangin sa lugar. “Bilisan mo naman, miss na miss ko na si Kuya Geron!” kumpas ko ng aking kamay

