Take every chance in life, because some things only happen once. Malamig ang hangin at malakas ang buhos ng ulan. Napakalungkot ng buo naming paligid, nasa loob lang ako ng aming bahay. Sa may pintuan ng kusina ay mag-isa akong nakatayo, sa aking harapan ay nandoon si Geron na titig na titig sa aking mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng aking mga luha sa mukha. Kitang-kita ko kung paano rin bumaba ang kanyang mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang sakit nitong hinahatid. “I think daughter is better,” mahinang sambit niya na patuloy na lumuluha habang nakatitig pa rin sa akin, “Twenty three years later, she will looked exactly like you right now. Mabait, maunawain, maganda, inosente sa lahat ng bagay at labis na mapagmahal sa kapwa.” Suminghot-singhot ako, hindi pa

