Chapter 47: Bagong umaga

3190 Words

Nang lumalim pa ang gabi ay isa-isa na kaming nilapitan ng aming mga magulang. Inayang umuwi na si Arlo ng kanyang mga magulang, inimbitahan pa kami ng mga ito sa kanila. Bagay na agad tinanggihan ni Mama. “Sa susunod nalang, kailangan na rin naming magpahinga.” ngiti ni Mama sa kanila, “Ngayon lang kami bumalik ng bansa at dito nagpunta.” “O sige, sa susunod nalang.” ngiti ng Mommy ni Arlo na matagal ng kakilala rin ni Mama. Ilang saglit pa ay inaya na rin si Eriza ng mga magulang nito kahit na labag iyon sa loob niya. “Alalahanin mo na patungo pa tayo ng Aurora, Eriza.” pangaral sa kanya ng ina nang humirit pa itong magpapaiwan siya, “Gabing-gabi na.” Walang nagawa si Eriza kahit pa gustuhin niyang magpaiwan at sumalo pa sa amin. “Bye Miura, magkikita tayong muli.” yakap nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD