Chapter 55: Pag-asa

3221 Words

Kumikinang ang mga dahon ng puno at halaman sa tama ng tumitingkad nang sikat ng araw. Kagabi ay walang sawa silang hinalikan ng malakas na buhos at patak ng mga butil ng ulan. Nagsimula ng muli ang tag-ulan, natapos ang tag-init kasabay ng paglisan ni Mama at Tito Papa sa mundong ibabaw. Kasabay ng pag-alis nila nang wala ng balikan pa. Bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tanggapin at paniwalaang ito ay tunay. Dalawang linggo namin silang ipinaburol sa aming tahanan. Dumating ang ilan sa aming malayong kamag-anak at ang mga kamag-anak nila Geron na galing pa ng siyudad. Noong una ay pinipilit nilang i-cremate ang labi ng kanyang ama at igaya sa kanyang ina. Bagay na labis na tinutulan at ipinaglaban ni Geron sa kanila. Ayaw niya iyong mangyari sa ama. “Hindi po ako maka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD