Chapter 60: Pagbangon

2678 Words

Maliit akong ngumiti sa salamin, inayos ko ang aking buhok na kasinghaba nalang ngayon ng buhok ni Eriza. Wala na rin akong bangs, matagal na nang tinanggal ko iyon. Ang pangungulila sa aking mga mata ay patuloy pa ‘ring mababanaag at dito ay makikita. Hindi nila ako nilubayan, sa halip ay isa sila sa aking mga naging karamay kapag pasuko na ako sa mga hamon sa akin ng tinatawag na buhay. Maingay na pinagdikit ko ang aking labi, ilang beses na sinipat kung maayos na ang lipstick na dito ay aking manipis na inilagay. ”First day of being unemployed again?” si Eriza na kakabangon lang mula sa kanyang kama, bitbit ang isang tasa ng umuusok niyang kape. Marahan akong tumango sa kanya at ngumiti. ”Oo, ganun talaga.” tugon ko na mahinang tumawa sabay sulyap sa tasa ng kape niya. “Bakit hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD