“Babayaran kita buwan-buwan ng limang libo, o sampung libo Miurasel hanggang sa makuha mong muli at tuluyan ang inyong bahay.” ulit niya sa akin sa litanyang hindi ko pinansin pa. Nasa kainan na kami, magkaharap na umiinom ng kape. Malaki ang ipinagbago ni Senda, mula sa kanyang hubog ng katawan hanggang sa kanyang paraan ng pagsusuot ng mga damit. Siguro ay dahil sa naging trabaho niya ngayon. Ganundin sa mga koloreteng nakalagay sa kanyang maamo at inosente noong mukha. Tuluyan siyang binago ng kanyang ina sa paraan na ayaw niya pero walang magawa. “Ikaw ang bahala, kakausapin ko si Eriza baka pumayag siya na sa apartment ka niya muna pansamantala tumira, kasama sa aking silid.” Maliit at nahihiya siyang ngumiti sa akin. Agad na lumambot ang aking puso kanina sa kanya. Pagkatapos n

