The true act of maturity is when somebody hurts you, and you try to understand their situation instead of trying to hurt them back. Nakangiti kong ini-abot ns sa driver ng tricycle ang aking eksaktonh bayad. Malugod niya iyong tinanggap habang patuloy na sumusulyap sa bitbit kong mga bulaklak. “Today were the fifth death anniversary of my parents.” wala sa sarili kong paliwanag na nakatingin na sa kanya, hindi man siya nagtatanong alam kong curious siya dito. “And calachuchi is one of our favorite flowers.” “Oh? Kaya pala iyang calachuchi ang palagi mong dalang bulaklak sa tuwing bibisita ka.” Maliit akong ngumiti sa kanya sabay tango nang marahan. Madalas ko siyang masakyan patungo dito, tatlo hanggang apat na beses siguro sa loob ng tatlong taong iyon. Umatras ako ng ilang hakbang

