Chapter 63: Huling hiling

2923 Words

Hindi pa rin siya sumagot, nanatiling nasa labas ng bintana ang kanyang mga mata. Nang sulyapan ko siya ay para akong nakatingin sa younger version niya noon na ayaw tanggapin ang inaalok kong tasa ng salabat. Parang muli siyang bumalik sa kanyang dating buhay na naiwan na namin sa malayonh nakaraan. “Nagbago ka na rin, kasabay ng pagpapalit ng iyong bagong hitsura.” dagdag ko, bahagyang kumurap-kurap sa kawalan, “Sa paglipas ng limang mahabang taon, kasabay ka rin nilang nagbago Kuya Geron. Sumama sa pagbabago.” Napapiksi ako sa aking inuupuan nang maramdaman ang paghawak niya sa aking isang palad. Sa pagkakataong iyon ay muli kong naramdaman ang mainit niyang kamay. Nangilid na ang aking taksil na mga luha, dumausdos sila pababa sa aking mukha. “Bakit ka nagbago?” mahina kong tanong d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD