Chapter 42: Grupo

3586 Words

Isinandal ko ang aking likod kay Geron na nakatayo lang sa aking likuran. Nasa malawak na kaming parang ng aming paaralan. Hinihintay ang sasabihin ng punungguro na si Ma'am Amora na namamahala mismo sa tree planting na ito. Sunod-sunod akong humikab. Nahihiya ko pang tinakpan ng aking isang palad ang bukas na bibig nang lumingon ang ilang mga kaklase sa may aming banda. “Inaantok ka pa rin ba?” mahinang tanong ni Geron, bahagya niya pang hinawakan ang aking basang ulo. “Anong oras ka natulog kagabi?” naging pilyo na ang kanyang ngiti. Nahihiya akong paulit-ulit na tumango sa kanya. Kumurap-kurap ang aking mga mata na bahagyang naluluha. Tiningnan ko siya nang masama nang mapagtanto ang huling sinabi. “Hindi ka ba masyadong nakatulog sa halik ko?” agad lapit niya at bulong sa aking ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD