Mahigpit akong hinawakan ni Geron sa isang aking kamay. Magkasabay na naming pinasok ang makipot na daan. Nasa likuran namin ang dalawang pareha na patuloy lang sa pagtatalo. Maingay na tumutunog ang aming bawat mga hakbang. Pasan ni Geron ang sako ng aming mga punla, bitbit ko naman ang baong tubig. “Ayon!” malakas kong saad na itinuro ang butas na wala pang nakatanim na punla. Maingay na ibinaba ni Geron ang pasang sako. Agad ko namang binuksan iyon at kinuha ang maliit na punla ng gemelina. Walang imik at nakangiti kong itinanim na ito dito. “Tingnan niyo, nabawasan na ang punla nila Miura!” malakas na sambit ng isa sa aming mga kaklase na tumingin pa sa amin nang masama. Kasalanan ba namin? “Dalian niyo!” Malakas na humalakhak si Geron, tuwang-tuwa sa sinabi ng aming kaklase. Tumat

