GILMARIE POV "Happy birthday po, tito!" pagbati ko kay tito Aiden at saka abot dito ng simpleng regalong nakita ko no'ng nasa palengke kami. It's a set of tools dahil alam ko naman kung gaano ito kasipag sa paggawa at pagkukumpuni ng mga bagay-bagay. "Naku, nag-abala ka pa, Clement hija," aniya at saka tinanggap ang ibinigay ko. "Maraming, maraming salamat para rito," dagdag ni tito. Ngumiti naman ako at saka bumalik sa kinauupuan ko na nasa tabi lang ni Alphrase. Si Andrius naman ay nasa bandang kaliwa ko at si Honey ay nasa tabi naman ni Alphrase. Katapat namin ngayon sa mesa sina tita Amelia, tito Aiden, Ariella, Kael, Ethan, Kamisha, at ang magulang ng mga ito. Kaninang maaga-aga pa ay namigay rin kami ng pagkain sa ibang kapitbahay dahil ayon ang request ni tito kaya ngayong hapu

