GILMARIE POV
"f**k!" bulalas ko nang magising pa rin sa parehong higaan na kinalalagakan ko mula kagabi.
Nang makapasok si Alvarez sa kanila, nag-stay pa ako sa labas for 1 hour. Inaasahan na baka maawa siya sa akin and he'll take me back to Manila pero bigo ako dahil mukhang matigas ang puso ng isang 'yon at hindi na ako muli nilabas. Ayoko namang maubos ng mga lamok ang dugo ko kung kaya kahit labag sa aking loob, tumuloy na lang ako.
I met tita Amelia and tito Aiden, parents of Alvarez, and Ariella, his 15 years old sister. Maayos nila akong pinakitunguhan dahil kilala pala nila si Daddy, madalas daw kasi ang tatay ko sa isla na 'to noon.
I got up then I examined myself sa isang mahabang salamin na naroon sa kwartong gamit ko ngayon. This is Ariella's room and her mom let me used it for a night. Sa pagkakaalam ko, si Ariella ang gumamit ng kwarto ng kuya niya, at kung saan man natulog si Alvarez, wala na akong alam at pakialam.
The pajama and the simple white shirt I am wearing is very far from clothes I have in Manila. Kahit hindi ko isuot ang mga damit na ito, alam kong wala sa mga 'yon ang mamahalin. Wala akong magawa dahil kailangan kong maglinis ng katawan kagabi and to my surprised, walang dala ni isang damit ko si Alvarez. Even my cards are not here with me! Nabuhay na naman ang inis sa katawan ko nang maalala kung paanong tila diretso niya lang na sinabi sa akin lahat. I really thought na nasa kaniya ang mga 'yon kaya kumpyansa pa ako noong una na may ipambubuhay ako sa sarili ko rito sa islang 'to.
"Good morning, iha," bati ni tita Amelia sa akin nang makalabas ako sa kwarto ni Ariella
I smiled a little. "Good morning din po."
"Kamusta ang tulog mo?" tanong nito sa akin habang abala sa paggigisa ng kalalagay niya lang na bawang. Nakita ko rin ang nakabukas na kaldero sa tabi nito. She'll cook sinangag, maybe.
"Maayos naman po," I lied. Ang ingay ng electric fan nila at ang init na ng binubuga nito. Para tuloy akong binubugahan ni Satanas sa init. Mas may hangin pa ang paypay ko kesa sa electric fan na iyon. Hindi rin ako naging kumportable sa higaan. Iyon na ata ang pinakamatigas na higaang nahigaan ko at ang ingay rin ng tunog kada gagalaw ako.
"Mabuti naman kung ganun. Pasensya ka na iha, ayan lang ang naioffer namin ha?" saad nito sa akin, bakas ang sensiridad sa boses. Bigla akong naguilty dahil sa mga reklamo ko.
"Maraming salamat po, tita," saad ko then I looked away dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.
Pinanuod ko siyang kumuha ng tasa at magsalin ng gatas doon. Kung saan galing ang gatas na iyon, ay hindi ko alam.
"Maiba ako, kamusta na pala ang daddy mo?" tanong nito sa akin saka inabot sa akin ang tasang may lamang gatas.
Inabot ko muna iyon at nagpasalamat. "He's a very busy person po but I am sure he's fine. Lalo na at wala na ako roon," I can't hide the sarcasm in my voice when I said those words. Dad's the one managing our hospital and pharmaceutical company. While being a boss, he's a neurosurgeon that's why he's really really busy. Tita Aurora's helping him by handling our restaurant chains. A business I can handle if he'd only let me. But of course, he won't do that.
"Eh, ang mommy mo?" halos maibuga ko ang gatas na nasa bibig ko nang itanong ni tita Amelia iyon. In a snapped, I felt uncomfortable by her question. So, pati pala si mommy ay kilala niya...
"I am s-sure s-s-she's f-fine," uutal-utal kong sagot then I faked a smile.
I looked away, trying to hide how uncomfortable I was when I heard the name of the first woman who broke my heart, my body, my soul, my everything. Suddenly, the sweet taste of the milk I am drinking became bitter. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng tasa when I remembered how daddy justified what she did to me.
"Nga pala, lilinisin namin ni Ariella mamaya yung kabilang bahay tapos dun na kayo tutuloy. Naisip ko kasi na baka hindi ka kumportable rito lalo na at medyo maingay kami," pag-iiba ni tita Amelia sa usapan, marahil napansin niya rin ang pag-iiba ng mood ko dahil sa tanong niya. Pilit kong binalik ang attention ko sa sinasabi nito. Why "kayo"?
"Kayo? Sino po ang makakasama ko? Si Ariella po ba?" tanong ko rito
Nginitian niya ako saka bahagya siyang nailing. "Hindi, si Alphrase ang makakasama mo," tugon niya
"Po?!" I exclaimed dahil sa gulat ko. Oh no! Me and Alvarez sa iisang bahay?! Ghad! Baka umaga palang, sira na ang araw ko! I mean, I knew how it feels to be with him nang iilang oras but for the whole 24/7? Everyday?
"Huwag ka mag-alala, iha. Mabait na bata si Alphrase at may dalawang kwarto naman 'yon. Kapag may ginawang kalokohan ang anak ko, magsabi ka lang at ako mismo tutuktok sa batang 'yon," saad ni tita Amelia
I chuckled a little bit. "Kapag may ginawang kalokohan si Alvarez, ako po mismo magtatanggal ng kinabukasan niya," I said sa pabirong paraan. But I am serious!
Natawa siya sa sinabi ko. "Gusto ko ang kaprangkahan mo, iha," ani nito. Napanguso naman ako sa sinabi nito. Am I that prangka?
Nagpatuloy na siya sa pagluluto while I got busy playing with my own hands and looking at it dahil sobrang ganda ng kamay ko. No jokes! Isa sa mga asset ko ang aking kamay. It's soft and smooth. Kamay na pambabae talaga.
"Tita," tawag ko sa pansin nito, nilingon naman niya ako agad. "Totoong anak niyo po ba talaga si Alphrase?" I asked out of nowhere and out of boredom, tila nagulat siya sa tanong ko kaya agad ko pa iyong dinugtungan. "I mean, don't get me wrong po. I like you, tito Aiden and Ariella kasi halatang mababait po kayo. But, Alphrase, he's annoying me. To be real honest po," saad ko
Muli, natawa siya. Mukhang anak niya naman talaga si Alphrase. Pareho silang mahilig tumawa.
"Minsan, naiisip ko rin kung anak ko talaga si Alphrase, eh. Napakagwapo niya samantalang ganito lang ang mukha namin ng tito Aiden mo," pagbibiro nito
I laughed, a fake one. So, I guess it's true. Sinungaling ang mga nanay. What a meanie, Gilmarie.
"Ang aga-aga, ako agad ang topic niyo," my brow automatically raised when I heard the voice of Alvarez.
For 2 years na naging personal bodyguard ko siya, ngayon lang tila sagad na sagad ang pag-on ng maldita radar ko sa kaniya. Para lang siyang hangin sa akin noon, not until he decided to treat me like this, na parang wala akong authority sa kaniya. Wala akong masabi sa trabaho niya but now? I hate him! Sagad sa bone marrow! And I hate everyone who did this to me. As if they're making my situation a lot better when in reality, they're not.
Her mom laughed...again. "Itong si Gilmarie kasi, pinapatawa ako sa mga sinasabi niya sa'yo," then she laughed again. Meron ba silang laughing syndrome or something? They seem to be really fond of laughing. I wish I can do the same but with this kind of situation, hindi ko kaya.
"Kaya po gumaganyan 'yan, eh, dahil hindi ko binalik sa Manila," ani Alphrase then he smirked. Agad nangunot ang noo ko sa pang-aasar niya. I rolled my eyes at him, mas lalong lumapad ang ngisi niya.
"Kesa magkaasaran pa kayo, magligpit ka na ng pinaghigaan mo nang makakain na tayo," utos ni tita Amelia sa anak na agad naman niyang sinunod. Gladly! Nang tigilan niya naman pang-aasar sa akin!
Nang makaalis si Alphrase, agad na hinain ni tita Amelia ang pagkain. Kahit papaano, tumulong ako sa pagseset up ng plato. For someone na ipinatapon sa islang ito, ang bait ko. Kidding aside, I was surprised to see the dishes served. May hipon, pritong isda, itlog na maalat, toyo at pritong itlog. I did not expect to have this kind of breakfast para sa islang gaya ng Amargo.
"Pasensya ka na sa nakahain, Gilmarie," ani tita saka ako nginitian.
"Tita, hindi hinihingi ng pasensya ang ganyan karangyang breakfast. Tignan niyo nga po may hipon pa, oh. Ang mahal po niyan sa Manila," tugon ko, full of amusement.
"Sakto kasing nanghuli ng hipon sina Kael kagabi, iyong anak ni Kapitan. Hinatiran niya kami rito kanina kaya ayan na ang hinanda ko kako, eh, baka gusto mo ng ganyang breakfast," ani nito saka ako muling nginitian.
I was moved by what tita Amelia said. I can't remember the last time I felt the love of a mother. Sa kabila ng rangya ng buhay ko, pinagkait sa akin ang bagay na iyon. When mom and dad broke up, napunta ako sa puder ni mommy. At first, she was okay not until she started abusing me. Halos araw-araw na pumapasok ako sa school nang may pasa sa katawan. I was glad na mahaba ang sleeves ng uniform namin at natatago ko ang mga pasa ko sa braso.
"Tatayo ka na lang ba riyan, ma'am?" bumalik ang ulirat ko nang muling marinig ang boses ni Alvarez. Nakaupo na pala silang lahat. Agad kong inayos ang sarili ko. To my right is tito Aiden and to my left is Ariella. The amusement in her eyes ay hindi natanggal, just like how she was amused by me yesterday, lalo na nang makita ang sandals na suot ko. She said she's sure na sobrang mahal nun. Doon pa lang, alam ko na na magkaiba sila ni Alvarez.
"Kumakain ka ba ng mga ganitong pagkain, ate Clement?" tanong ni Ariella sa akin. Even though I don't like the idea na tinawag niya ako sa second name ko, I tried my best to give her a smile and nod.
"Naku! For sure napipilitan ka lang," ani nito saka nag-umpisang sumandok ng pagkain niya. This time, ako ang tila nagulat sa kaniya. "Alam mo, hindi kita masisisi kung ayaw mo sa ganitong breakfast. Kahit ako ay sawa na sa ganitong pagkain," tuloy-tuloy na aniya. Napatingin ako sa gawi ng mga parents niya at napansin kong natigilan sina tita Amelia sa pagkain.
"Ariella!" saway ni tito Aiden sa anak, she just shrugged her shoulders.
"Alam mo ate Gilmarie, kumpleto akong tao. Wala akong sakit, wala akong kapintasan, wala ako ng lahat pero may malaki akong kapansanan sa buhay," saad pa nito na tila di pinakinggan ang saway ng kaniyang ama. "Ang pagiging mahirap," aniya.
I gasped. Hindi ko maiwasang mahiya dahil sa tinuran niya. She's saying those things as if her parents and her brother are not here with us.
"I.." I paused then I looked at her family na parehong nakayuko lang, inaabala ang mga sarili sa pagkain. "I think that's too much, Ariella. Sorry to rain on your parade," ani ko
"Masaya yung buhay na gaya ng sa'yo. Yung sandals na suot mo kagabi, sinearch ko presyo nun at grabe ate! Pangkain na namin for 3 to 4 months 'yon! Ganung buhay ang gusto ko. Yung may pera, maraming luho at kung ano pa," saad nito.
I can't help but to show her a bitter smile. "Money's not gonna give you the happiness na meron ka sa buhay mo ngayon. Trust me, hindi masaya ang buhay na meron ako."
"Ariella, hayaan mong kumain si ma'am Gilmarie," tila hindi na nakapagpigil si Alvarez kaya sumingit na ito sa usapan namin. I saw hint of sadness in his eyes nang magawang magtagpo ng aming mga mata. Agad din siyang nag-iwas ng tingin.
Nang matapos kaming kumain, agad na umalis si Alvarez. Nagpaalam siya sa mga magulang niya na mangingisda muna, pang-ulam daw mamayang gabi. Si tito Aiden naman ay naging abala sa likod ng bahay nila samantalang gaya ng sinabi ni tita Amelia, lilinisin nila ni Ariella ang kabilang bahay na tutuluyan ko...at ni Alvarez, unfortunately.
Wala akong ibang nagawa kundi tumambay sa isang kubo sa labas ng bahay nila habang tanaw-tanaw lang ang dagat at pinakikinggan ang tunog ng pagtama nito sa dalampasigan. Patirik na rin ang araw ngunit hindi ko ininda ang init nun dahil mahangin naman sa kinaroroonan ko.
Nakita ko rin ang ibang tao na abala sa mga lambat nila, marahil ay mangingisda na rin. Hindi na bago na sa ganitong uri ng lugar ay pangingisda ang pangunahing pangkabuhayan. Nariyan din ang mga batang naghahabulan sa dagat, ang iba'y abala na agad sa pagligo. Hindi ko maiwasang mangiti nang marinig ang halakhakan nila.
Sobrang simple ng buhay na meron ang mga tao rito, malayo sa buhay na kinasanayan ko. Ngunit hindi ko maiwasang mainggit dahil kahit anong luwag ng buhay na meron ako, wala ako nung kasiyahan na meron sila. Kasiyahang kahit kelan ay hindi mabibili ng pera.
Ilang oras pa akong tumambay sa labas, thinking about a lot of things. Naputol lang ang pag-iisip ko nang dumaong ang isang yate na pamilyar sa akin. Maging ang babaeng may suot ng puting maxi dress at floppy straw hat na may nagmamalditang black ribbon ay kilalang-kilala ko. It was Heather, my half sister. What is she doing here?
"Hi, sis!" she greeted me saka bumeso. I rolled my eyes dahil sa kaplastikan nito.
"What are you doing here?" I asked her, trying to be nice but I can't hide how irritated I am just by her presence.
"Pinahatid ni daddy mga gamit mo. Thank me and mom because we packed your things. Gosh! I even broke a nail dahil sa luggage mo," maarteng aniya.
Agad na binaba sa buhanginan ng mga tauhan ni daddy na kasama niya ang mga gamit ko. I don't like the idea na nagawang dampian ng kamay ni Heather ang mga ito but atleast, I don't have to borrow Ariella's clothes anymore. Nakakahiya na sa kanila.
I faced her again nang matapos sila sa pagbababa ng mga gamit ko. "He really wants me gone, huh?" I know, I sounded sarcastic. She laughed in a tone na mas kinainis ko.
"Maybe it's his preparation for the wedding!" she said, excited. Hindi ko naiwasang maikuyom ang kamao ko. I can actually punch her right in her face but I won't do that. I am not the girl who will stooped that low. Besides, mas importante ang kamay ko kesa sa mukha ni Heather. "I'm sorry, sis dahil mukhang di ka invited. Anyway, I have to go. Enjoy this island of yours, ha? Who knows, baka rito ka na magstay for good. Ciao!"
Kung gaano kaarte ang pagbaba niya sa yate, ganun din kaarte ang pagbalik niya roon. I saw how disgustingly she threw a flying kiss bago sila tuluyang makaalis. The grin in her face proved how much she loved the idea na malayo ako sa kanila. Ever since, siya talaga ang pinakakontrabida sa buhay ko. I bit my lip because of my frustration.
Her presence destroyed the peace that was given to me by Amargo. I really have to go back to Manila. Whatever it takes!