CHAPTER 7

1061 Words
GILMARIE POV "Tomorrow's an important meeting, Gilmarie. Don't be late, okay?" ani Dad mula sa kabilang linya. I walked my way to my bed saka binagsak ang katawan doon. Kakatapos ko lang sa evening routine ko at handang-handa na ako magpahinga kung hindi lang tumawag si Daddy para sa meeting bukas. "Noted, Dad. Tanong lang, sino po yung mga clients natin na 'yon at kailangang ma-close agad ang deal?" "Hmm..." he paused. "A very big and important client, hija. Malalaman mo rin bukas. Heather will be joining us too dahil related sa pharmaceutical natin ang meeting na 'yon," sabi ni Dad. Napakunot ang noo ko. I sighed. "Noted, Dad. See you tomorrow, then," ani ko. "See you, hija," and as usual, he ended the call. This is the first time na isasama ako ni Daddy sa isa sa mga client meetings na may kinalaman sa pharmaceutical area ng company namin. Madalas kasi na si Heather ang kasama niya since in line ang programa ni Heather dito at ang role ko lang ay ang magbasa ng kontrata at magbigay ng recommendations ko roon. Last time Daddy and I talked, gusto niyang ituloy ko sa Law ang program na naumpisahan ko so that I can join him in every client meetings but I told him na pag-iisipan ko muna. I don't want to enter something na baka hindi ko pa kayang panindigan. I checked my phone at kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag nang makita kong medyo humuhupa na ang issue sa amin ni Laxamana. Also, hindi niya na rin nagawang magparamdam pa at pabor sa akin 'yon. Maging si Zuriel ay hindi na rin nakapagparamdam. Siguro busy siya dahil alam ko sunod-sunod din ang offer sa kaniya ng mga modelling company. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sunod-sunod na  katok sa pinto ko. Agad naman akong napasimangot nang marinig ko rin ang sunod-sunod na pagtawag ng "ma'am" ni Alphrase mula sa labas. Masama ang loob na bumangon ako sa higaan ko at hinanda na agad ang katarayan ko nang mapagbuksan ko siya ng pinto.  "Siguraduhin mo lang na importante 'yang sasabihin mo dahil kung hindi ay malilintikan ka sa akin, sinasabi ko sa 'yo," pagbabanta ko rito.  Agad naman siyang napakamot sa batok niya at saka alanganing ngumiti, na mas ikinataas naman ng kilay ko. "Kasi ma'am ano..." "Ano?!"  "Eh, iyong Daddy ninyo po kasi tumawag sa akin. Nakailang tawag na raw po sa inyo, hindi n'yo raw sinasagot—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ng cellphone ko. Napamura ako ulit nang makita ko ang pitong missed calls na galing kay Daddy. Paniguradong malilintikan na naman ako nito sa sermon dahil sa hindi ko nasagot ang tawag niya.  "Sinabi ko na lang po na naliligo na kayo para hindi po kayo mapagalitan, ma'am," ani Alvarez. Tinignan ko siya at saka napabuntong-hininga. Sa dinami-dami ng rason, bakit naman 'yon pa ang naisip niya? My Dad's not dumb to believe that excuse. Sino ba naman ang mahigit isang oras kung maligo? Anong ginagawa ko no'n sa banyo? Nagtatanggal ng balat ko? Duh! Mas pinili ko na lang na ismiran siya. "You can go ahead now. Mag-aasikaso na ako at may lakad akong importante."  "Wala man lang po bang thank you?"  Tinignan ko siya nang masama. "Thank you," I sarcastically said. "Happy?" I hissed. "Get the hell out of here, Alvarez. Masama ang umaga ko."  "Sabihin ko po ba sa Daddy ninyo na sumama umaga ninyo dahil sa tawag niya—" Agad akong dumampot ng pinakamalapit na unan sa akin. "I said—" "Joke lang, ma'am!" aniya at saka biglang isinara ang pinto. Ramdam na ramdam ko naman ang pangangalaiti sa inis ng sistema ko. Kung kahapon ay maganda pa ang pakiramdam ko sa kaniya, ngayon ay hindi na. Kahit kailan ay napakalakas mang-asar ng isang 'yon at kahit pa ilang taon ko na siyang kasama, hindi ko pa rin magawang masanay sa ugali niya. Sino ba namang matinong tao ang alam na na inis ka na, mas pipiliin pang inisin ka lalo? Si Alvarez lang ata ang malakas ang topak na gawin 'yon! I took a quick shower at mabilis ding pumili ng maisusuot sa mga damit ko. Hindi naman ako nahirapang mamili dahil formal meeting naman ang magaganap. Dali-dali na rin ang pagsusuot ko ng sapatos nang magtext si Dad na 45 minutes na lang at magsisimula na ang meeting na dadaluhan namin.  This is one thing that I hate about businesses, lalo pa kay Daddy. He's an early bird, samantalang ako naman ay kabaliktaran niya. Kaya rin mas pabor sa akin na nasa office lang at hindi ako isinasama sa mga meetings dahil ayoko sa ganito kaaagang call time. I hate putting myself under a lot of pressure.  Pasipol-sipol pa si Alvarez nang makasakay na kami sa sasakyan. Hindi ko alam kung anong mayroon at tila good mood ang damuhong ito. Ayoko naman siyang tanungin dahil ayokong maisip niya na interesado ako sa buhay niya. Duh! Never.  "Hintayin mo na lang ako sa labas mamaya dahil uuwi rin naman ako agad after ng meeting," ani ko. Wala na rin kasi akong kailangan pang asikasuhin sa opisina dahil nagawa nang iemail sa akin ni Eli ang iba pang papeles na kailangan kong asikasuhin.  "Affirmative, ma'am!" masiglang tugon nito. Tinaasan naman ako ng kilay dahil sa sigla niya. I hate the fact that it's bothering me!  "Anong mayroon at ganyan ka kasaya?" hindi ko na napigilang itanong sa kaniya. Hindi matatahimik ang loob ko kung hindi ko malalaman ang sagot sa bagay na gumugulo sa akin.  "Masama na ba maging masaya, ma'am?" balik tanong nito. He eyed me through the rear view mirror at agad naman na tumaas ang kilay ko. "Porke kasi puro kayo kasungitan kaya ayan."  "What the hell, Alvarez?!" asik ko rito. "Hindi ko talaga alam bakit nagustuhan ka ng Daddy ko! I bet hindi niya alam ang ganyang way ng pananalita mo—" He chuckled kaya natigilan ako. "Hindi ko po pinipilit ang sarili ko na magpanggap sa harapan ng iba. Mas okay kasi na makikilala nila ako sa kung sino ako talaga," aniya. "Ang hirap kaya na ibang mukha ang hinaharap mo sa ibang tao kaya kung gusto man po ako ng Daddy ninyo, alam ko pong deserve ko 'yon, ma'am." I rolled my eyes. "Whatever." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD