CHAPTER 8

1126 Words
GILMARIE POV When I arrived at the location of the meeting, Heather and Dad's already there. Pinaghintay ko naman na sa labas si Alvarez at agad namang sumang-ayon ang loko at naglaro na sa cellphone niyang napaglumaan na talaga ng panahon. Kulang na lang ay gustuhin ko na na ako na ang bibili ng bagong cellphone niya but...nevermind.  I greeted Dad pero hindi ko pinansin si Heather na pasimpleng umirap sa akin. Masyado nang sira ang araw ko para sa kaniya. Kapag hindi ko siya natantsa ay ako na naman ang pag-iinitan ni Daddy.  "I'm glad you came," ani Daddy habang ngiting-ngiti. Hindi ko alam kung anong nakain niya at ganito kaganda ang mood niya. "I am sure matutuwa ka kapag nakita mo ang gustong mag-invest sa hospital natin."  "Another investor means a lot of things that I have to work on dahil sa kontrata between both companies, Dad," I said with a hint of sarcasm. "I don't think that's something that I should be happy about." "Ate, Dad's not paying you para lang gumawa ng mga basta-bastang trabaho—" I cut Heather off.  "And he's not paying you either para panghimasukan ang opinyon ko sa mga bagay-bagay, Heather," I said. "Mind your own business para hindi tayo nagkakaroon ng gulo."  "Gilmarie," and here comes Dad's warning tone. Nakita ko naman kung paanong sumilay ang ngiti sa labi ni Heather. Malamang ay dahil iyon sa ako na naman ang pinansin ni Daddy. Kasalanan ko ba kung hindi ko talaga kayang pakisamahan si Heather? She's a living plastic! Ni wala sa mga ipinapakita niya kay Daddy ang totoo sa ugali niya. "Hindi maganda na nag-aaway kayo sa mga ganitong pagkakataon. Don't let your emotions ruin this business meeting."  Hindi na ako umimik pa dahil ayoko na ring pahabain pa ang usapan. Gustuhin ko mang pagbigyan si Daddy at pakisamahan si Heather ay hindi ko kaya. How can I do that kung sa tuwing nakikita ko si Heather ay ala-ala ng pagkasira ng pamilya ko ang nakikita ko? The day she was born was the day my dream of complete and happy family got ruined. Kahit gaano pa katagal na panahon na ang lumipas, hindi ko pa rin siya kayang mapatawad, sila ng mommy niya. I experienced...a lot of traumatic events in my life dahil sa presensya nilang dalawa.  I felt my breathing became heavier and heavier as time goes by na iniisip ko ang mga nangyari sa akin noon. Maraming taon na ang nakalipas but the scars of yesterday still lingered on me. Nakatatak pa rin, hindi lang sa katawan ko ngunit pati sa puso't isip ko.  Iwinaksi ko ang lahat and I tried to make myself calm nang makita kong pumasok ng restaurant na kinaroroonan namin sina Dr. Laxamana. I looked at my father and he's smiling from ear to ear. Agad naman silang pormal na nagbatiang dalawa. I stood up also to formally greet him kahit pa hindi ko alam kung bakit kailangang kasama siya sa meeting na ito.  "Thank you for this, Hanwill. Malaking bagay ang pagbibigay mo ng oras para sa request ko," ani Dr. Laxamana.  "It's my pleasure. Besides, hindi naman na bago ang turing ko sa 'yo," sagot ng Daddy ko. He looked at me at pigil na pigil ako na taasan si Daddy ng kilay dahil mukhang may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin, maging sa pagkaporma ng ngiti niya. "One more thing, your son and my daughter's dating." Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanila, samantalang si Heather naman ay nakangising parang aso. Nagtawanan naman sina Daddy at Dr. Laxamana dahil sa sinabi ng ama ko. If only alam lang nila kung paanong naging kami ni Paul, I doubt na makakatawa sila nang ganito. Wala namang mahalaga sa isang 'yon kundi ang reputasyon niya...at gano'n din ako dahil sa lagay ni Daddy. All I wanted is to impress him at kung nasisiyahan siya sa ganito, hahayaan ko na lang muna.  "Sorry, I'm late," ani ng isang tinig na pamilyar na pamilyar sa akin. Agad na nagbukas ang maldita radar ko nang maging ang pamilyar na amoy nito ay rumehistro sa sistema ko. Nilingon ko ang kung sinong nasa likuran ko at hindi nga ako nagkakamali. Nandito rin si Paul and he's smiling from ear to ear while looking at me. Pasimple ko naman siyang tinaasan ng kilay. "Hey, babe," he greeted na halos ikasuka ko. Lalo pa nang lumapit siya sa akin at saka pasimpleng bumulong. "Act proper. You don't want to mess things up, don't you?"  I glared at him dahil nagawa niya pa talagang halikan ako sa pisngi matapos ang sinabi niya ngunit mukhang immune na siya sa sama ng ugali ko kaya nakangisi na lang itong umupo sa tabi ko, gawa na rin ng kagustuhan ng daddy ko at daddy niya. I looked at Heather and she's eyeing Paul. Nagsimula na lang ang pag-uusap nina Daddy ay hindi niya pa rin inaalis sa damuhong katabi ko ang mga mata niya. Hindi ko naman napigilang lihim na mapangiti dahil sa ginagawa nito. Kung gugustuhin man ni Heather si Paul ay ibibigay ko kaagad sa kaniya. Hindi na ako lalaban pa dahil gusto ko ring tantanan ako ni Laxamana.  I smirked. "Heather, " I called. Tila nagulat pa ito nang konti dahil sa pagtawag ko. Mas lalo tuloy lumawak ang ngisi sa labi ko. "It's your time to present," I added. Tila nagising naman ang diwa niya dahil sa sinabi ko at nagpresent na ng kaniyang inihanda para sa business meeting na ito. I crossed my arms at saka nangingiti pa ring napapatingin sa kaniya, lalo pa nang mapansin ko ang panaka-nakang pagsulyap nito kay Paul. I, honestly, think she's into him.  Nang pumunta si Heather sa banyo ay pasimple ko itong sinundan dahil dinidiscuss pa lang naman ni Daddy kina Paul ang magiging terms ng agreement. Agad namang umismid si Heather sa akin nang makita niya ako.  "What are you doing here?" she asked. "Are you following me?"  I smirked. "Importante ka bang tao para sundan?" I sarcastically said. "Anyway, I saw you eyeing Paul. If he's your type, huwag mong pigilan sarili mo at ibibigay ko siya agad sa 'yo." "What the hell?!" she exclaimed and then, laughed. "Anong pumasok sa isip mo at naisip mong gusto ko siya? Are you out of your mind?"  "I am certain. Hindi mo na kailangang magdeny—" "The hell! Stop those illusions of yours," she said at saka ngumisi. "I think, I saw him somewhere."  This time, ako ang pinangunutan ng noo. "W-What?"  Mas lalo pang lumawak ang ngisi nito at saka lumapit sa gawi ko. "Start hoping, ate," aniya. "Start hoping na mali ako ng nakita ko."  With that, she left me dumbfounded. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD