GILMARIE POV
Padabog kong isinara ang pinto ng kotse na sinasakyan ko nang makabalik akong muli sa bahay ko after ng meeting namin with Paul's family. Wala naman pala talaga akong kailangang gawin doon kundi ang makinig sa kanila at ang ipakita lang na naroon ako para kay Paul. Dad's really pushing me to him, siguro'y dahil na rin sa pagiging magkaibigan nila ni Dr. Laxamana. Also, it turned out na si Paul din pala ang nag-encourage sa tatay niya na mag-invest na sa hospital namin. I don't know about his real intention pero kung goal niya ay ang makapagpalakas kay Daddy, then, he did a freaking great job!
"Aakyat na ako," paalam ko kay Alvarez nang hindi siya tinitignan. Ramdam ko lang ang pagtingin nito sa akin, siguro'y nagtataka sa kung bakit ganito na naman ako kumilos. "Kung uuwi ka na sa mansyon, alam mo na ang kailangan mong gawin," I added. Sinulyapan ko siya sandali at halos mapataas ang kilay ko nang makitang pinaniningkitan niya ako ng mata niya. Ano na namang problema ng isang 'to?
Napailing-iling na lang ako at saka tumuloy na sa kwarto ko. Wala akong mapapala kung hihintayin kong may sabihin si Alvarez. Minsan mahirap din talagang alamin ang tumatakbo sa isip ng isang 'yon. Iwinaksi ko na lang lahat ng naiisip ko at nagdesisyon na na maglinis na ng katawan. Sa sobrang kakadikit ni Paul sa akin kanina, malay ko ba kung anong germs ang dala ng isang 'yon.
Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis dahil sa mga nangyari kanina. Huminga na lang ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili habang nakababad sa bath tub ko. Wala namang ano-ano ay rumehistro sa isip ko ang pagmumukha ni Alvarez. Doon ay naramdaman ko ulit ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko rin napigilang isipin kung bakit gano'n siya makatingin sa akin kanina. May dumi ba ako sa mukha ko? He's creeping me out.
I groaned at saka inilublob pang lalo ang katawan ko sa tubig ngunit mabilis din akong umahon nang makasinghot ako nang konting tubig at pumasok iyon sa ilong ko.
"Nakakainis!" reklamo ko sa sariling katangahan. Inabot ko na ang tuwalya ko at saka tinuyo ang sarili. Nang magawa ko na ring makapagbihis at makapag-ayos ng sarili ay nagdesisyon akong bumaba ulit para kumuha ng makakain sa ref sa kusina dahil wala na ring laman pa ang ref ko sa kwarto. Speaking of, bukas na bukas din ay mamimili kami ni Alvarez.
Nangunot ang noo ko nang makitang bukas pa ang pinto sa sala. Don't tell me iniwan lang ni Alvarez na bukas ang pinto ng bahay ko? Like...what the! Alam niya namang mag-isa lang ako rito!
Pilit kong kinalma ang sarili ko ngunit saktong paghawak ko sa door knob nang akmang isasara ko na ang pinto ay may mahinang boses akong narinig sa hindi kalayuan. I am certain that it was a man's voice ngunit ayokong isipin na kay Alvarez iyon dahil masyado 'yong maganda sa pandinig. I don't know the title of the song he's singing but it's calming. Sumilip ako nang bahagya at doon ay nakita kong nakaupo sa isa sa mga upuan si Alvarez at may hawak-hawalk na gitara. Kung saan niya iyon nakuha ay hindi ko alam. Ni hindi ko alam na marunong siyang tumugtog no'n.
"So, don't give up on me..." he uttered those words perfectly habang nakapikit. The moon from afar na sumaktong nakikita sa gawi niya ay dumagdag sa ganda ng view—what the hell I am saying?!
Ipinilig ko ang ulo ko at saka akmang aalis na nang muli ay tila parang nanghahatak ang boses niya, lalo pa nang magbago ang tempo ng pagtutugtog nito ng gitara. He played every strum slowly and his deep voice resonated the whole place. Ni hindi ko magawang umalis sa lugar dahil ayaw ko mang aminin ay nagagandahan ako sa boses niya. Hindi ko naman napigilang mapangiti nang tuluyang magsink in sa akin ang mensahe ng kantang kinakanta niya.
The song perfectly fits him. Sa dalawang taon na nakasama ko si Alvarez, there's one trait of him that I really admire. Secretly, of course. Iyon ay ang tatag ng loob niya. Alam ko naman na lahat ng tao ay may bigat na dinadala but I never saw him nor heard him complain about life. Kahit noong mga panahon na alam kong may pinagdaraanan ang pamilya niya, kahit isang reklamo o panghihina ay hindi ko siya nakitaan no'n. Ever since that day, I started wondering kung paanong naging gano'n siya katatag. Sometimes, I couldn't help but think na kaya ayaw niyang maging mahina ay dahil kailangan niyang maging malakas, hindi lang para sa kaniya kundi maging para sa pamilya niya. And somehow, I am glad that he's here. We may not have that perfect boss and bodyguard relationship but I am calm whenever he's with me. This is not about any romantic feelings or whatsoever. Basta ang alam ko, kahit papaano ay kaya ni Alvarez na pakalmahin ako.
"Ma'am," halos mapapitlag ako nang tawagin niya ako. Pigil na pigil ako na ikuyom ang kamay ko at mataray siyang hinarap.
"What?" I asked.
"Kanina ka pa ba riyan?" he asked.
"Yes. Why?" I answered without hesitation. Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko. "Don't tell me, pagbabawalan mo ako sa sarili kong bahay?"
Napakamot siya sa batok niya. "Hindi naman po sa gano'n, ma'am. Nagulat lang po ako na may nakikinig po pala sa pagkanta ko."
I hissed at saka siya inismiran. "Nakikinig? Hindi ko naman pinakikinggan ang pagkanta mo," pagtanggi ko. "Boses palaka ka naman for sure kaya bakit hindi pakikinggan?" pilit na pagtataray ko.
Umismid din ito sa akin. "Kung maririnig n'yo lang ang boses ko ay baka masabi ninyo na sana ako na lang ang pumalit sa ibang nagfifeeling singer sa showbiz," pagyayabang nito.
Sarcastically, I smiled. "In your dreams, Alvarez!"
Tumawa naman ito nang bahagya at halos mapaatras ako nang maramdaman ko ang pag-skip ng t***k ng puso ko matapos kong makita ang reaksyon niya.
"Nagpapacute ka ba?!" asik ko rito. "Stop it. Hindi mo bagay—"
He smirked kaya natigilan ako. "In born na po ang cuteness ko, ma'am. Bago n'yo lang napansin?"
"What the..." pabulong na asik ko pa. "Napakafeeling mo!" Tumawa siyang muli at doon ay naramdaman ko na ang kakaibang pag-init ng pisngi ko. WHat the hell, Gilmarie?! "Umuwi ka na nga sa mansyon! Hindi naman na kita kailangan dito, eh!" singhal ko sa kaniya.
Isang simpleng ngiti naman ang ipinakita niya sa akin. "Hindi ko naman kayo narinig kahit kailan na nagsabing kailangan ninyo ang isang tao, ma'am," aniya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa kung anong lumalabas sa bibig niya. "Dito na lang po ako matutulog. Alam ko namang malungkot din mag-isa rito sa bahay ninyo."
Tinalikuran niya na ako dahil isinara niya na ang pinto at saka pumwesto na sa sofa na naroon. Ilang minuto pa akong nanatili roon na nakatingin sa kaniya hanggang sa mapagdesisyonan kong hindi na kumuha pa ng makakain at bumalik na lang sa kwarto ko.
Nang magawa kong isara ang pinto ko ay roon ko lang mas napagtuunan ng pansin ang puso kong kanina pa naghuhurumintado. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko ngunit kahit anong pikit ko ay hindi ko makalimutan ang sinabi ni Alvarez.
In that moment, sadness lingered to my heart. Kahit naman anong gawin ko, this is my reality. Hindi ko na magagawang ibalik pa ang oras sa mga panahong masaya pa ang buhay ko. I have to grasp this reality...pero ang hirap. Kahit pa maraming taon na ang nakalipas, everything still...hurts. Kaya pa rin akong saktan ng mga ala-ala ko sa nakaraan.
I closed my eyes nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. I couldn't even remember kung kailan ang huling beses na umiyak ako. I told myself countless of times na hindi na ulit, but because of Alvarez, narito na naman ako sa pahinang ito. When will this scars of mine will heal? I just want to be fucking...okay.