GILMARIE POV “Let’s party!” ani Clarisse nang magawa naming makapasok sa VIP area ng bar na sinasabi nito. Mula sa pwesto namin ay kitang-kita na rin ang mga pumapasok na mga tao. Halatang high end na high end ang bar na ‘to dahil sa bihis ng marami and also because of its features. “Ikaw Andrius, mahilig ka ba pumunta sa mga ganitong lugar?” Napatingin naman ako sa kausap nito at medyo natawa ako nang makita ang paraan ng pagtingin ni Andrius kay Clarisse na parang nagsasabi kung seryoso ba si Clarisse sa tanong nito sa kaniya. Halata naman kasi na hindi tipo ni Andrius ang mga ganitong lugar. “Hindi bale, orderin n’yo lang ang gusto ninyo at ako na ang bahala,” ani Clarisse sa amin at saka kumindat pa. “Sandali lang, ha,” paalam pa nito sa amin at lumabas ng pwesto namin. Napatingi

