GILMARIE POV “It’s lunch time,” ani sa akin ni Andrius na siyang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa amin mula pa kanina. “Uhm…mauna ka na kumain. Mamaya na ako,” sabi ko naman. Sandali pa itong napatingin sa gawi ko at saka nagkibit-balikat. “Sige,” aniya at saka lumabas na ng opisina ko. Napailing naman ako matapos no’n. Akmang babalik na ako sa pagtatrabaho nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa no’n si Clarisse. Luminga pa ito na parang may hinahanap sa paligid. “Nauna nang kumain si Andrius kung siya ang hinahanap mo,” ani ko. “Ay,” reaksyon nito na parang nadisappoint pa sa narinig. “Ikaw ba? Hindi ka pa kakain?” Umiling ako. “Mamaya na, ang dami ko pang kailangang gawin, eh.” I heard her sighed. “Grabeng workaholic. Hindi ka naman mayayakap ng trab

