GILMARIE POV Pareho lang kami ni Zuriel na nakatingin sa kinalalagyan ni mommy. Wala sa amin ang gustong mag-umpisa ng dapat pag-usapan. Seeing her here, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil ang nag-iisang kaibigan ko ay nandito ngayon sa tabi ko or should I be angry at her dahil sa lahat ng oras, bakit ngayon lang? Where was she when I needed a friend? Where was she when I needed an explanation? Alam kong hindi niya responsibilidad ang kamustahin ako when things were in turmoil with me but…where was she? “How are you?” she asked. Napabuntong-hininga naman ako sa tinanong niya. “That’s not the right question,” she added. “Maybe because that’s not the question you wanted to ask me in the very first place,” sabi ko. Hindi ko naitago

