GILMARIE POV Hindi ko pa rin tanggap ang lahat. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit o kung may dapat pa ba akong simulan. I can bear the pain of losing my family but I can't bear the pain of losing mom right in front of my eyes permanently. Ang sakit-sakit sobra na hindi ko man lang siya nakausap, hindi ko man lang siya nayakap, wala man lang akong nasabi sa kaniya. About no matter how much she hated me, I am still thankful dahil kung wala siya ay wala rin ako sa mundong ito. On how despite what happened between us, mahal na mahal ko pa rin siya. I saw how she made huge effort to raise Rosh by herself and she did great dahil lumaking mabuting tao si Rosh. I may not be able to experience how it feels to have her as my mother after what happened but I am glad na naging ina siya s

