GILMARIE POV Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang pauwi ako sa bahay ko para mag-asikaso ng sarili ko. Halos wala rin akong tulog dahil mas hinayaan ko na si Rosh ang magpahinga. He's going through a lot and compared to me, mas kaya ko ang mga ganitong sitwasyon. I don't know if I am being true to myself but one thing's for sure, ayokong magiging mahina rin ako dahil kailangan ako ni Rosh ngayon. Kung walang magiging malakas para sa aming dalawa, we won't get through this. Nagawa ko ring masilip si mommy kahit papaano. Hindi ko rin alam kung ilang minuto akong umiyak nang makita ko ang kondisyon niya. She got thinner, hindi na gano'n ang katawan niya sa kung paano ko siya huling nakita. Maybe it was because of her medications. Also, when I asked Rosh about mom,

