GILMARIE POV Sa bahay ni mommy ako nagpahatid kay Andrius at agad naman akong dinaluhan ni Rosh nang makitang basang-basa ako. Maging si Andrius ay pinatuloy na muna nito at pahihiramin na raw muna niya ng damit dahil nabasa rin ito ng ulan. “Pasensya na kung dito na muna ako mang-aabala,” sabi ko kay Rosh na abala naman ngayon sa pagtimpla ng chocolate drink para sa amin ni Andrius nang mainitan lang daw kami kahit papaano. Tulog na rin kasi ang mga kasama nito sa bahay kaya siya na ang gumagawa no’n. “Something happened sa mansyon?” he asked, and I nodded as an answer. He hummed a little. “Things are getting out of hand, huh?” “I saw Alphrase,” I straightforwardly said, and his eyes immediately went wide. “I saw him at Tagaytay. He’s with another girl. He…moved on.” Muli ay map

