GILMARIE POV Kanina ko pa napapansin ang pagkunot ng noo ni Andrius sa akin dahil kanina pa rin ako ngingiti-ngiti matapos ang nangyari sa office ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na mayroon ako sa loob ko dahil ngayong investor ko na rin sa kompanya si Alphrase ay mapapadalas na ang pagkikita naming dalawa. But still, there’s something about him na hindi ko maipaliwanag. How could he act so professional when he’s talking to me na tila hindi na nito naaalala pa ang lahat ng namagitan sa aming dalawa? “Ngayon naman tulala ka,” puna ni Andrius na nagpabalik sa diwa ko. “Nakakatakot ka na.” I hissed and rolled my eyes at him. “Masyadong masaya ang araw ko ngayon, Andrius. Huwag mo muna sirain.” This time, it was his turn to hissed. “Nabanggit sa akin ni Clarisse na galing dito ‘yong s

