CHAPTER 5

2975 Words
GILMARIE Hanggang sa maibagsak ko sa kama ko ang aking katawan matapos maglinis ay hindi ko pa rin maintindihan ang kinilos ni Alvarez. Nainis ba siya dahil hinalikan ako sa noo ni Paul? Duh! Hindi ko naman iyon hiningi ah? Pero sabagay, baka iniisip niyang walang saysay ang pagdedepensa niya sa akin kagabi kung hinayaan ko si Laxamana na halikan ako nang ganun-ganun lang. Eh wala naman akong kasalanan dun ah?! Ugh! Ang gulo-gulo naman! Ilang ikot pa rin sa higaan ang nagawa ko bago ako tuluyang dinalaw ng antok. Nang magising ako ay hindi ako agad bumangon. Bigla-bigla ay naisip ko ulit ang naging kilos ni Alvarez kagabi. Bakit ba kasi siya nainis? Eh teka! Bakit ko ba iniisip?! I hissed 'tsaka tuluyang bumangon. I ponytailed my hair then went inside the bathroom to do my morning routine. Nang makalabas sa banyo ay naglagay pa ako ng konting liptint bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nakita ko mula sa taas si Alvarez na seryosong nakatutok sa phone niya habang nakaupo sa sofa sa sala ko. Sandali niya rin akong tinignan ngunit agad ding ibinalik ang mata niya sa kaniyang cellphone na hanggang ngayon ay iyon pa ring napaglipasan na ng panahon. Dumiretso na lang ako sa kusina para magluto ng agahan ko. Nang icheck ko ang rice cooker ay may lutong kanin na, marahil ay si Alvarez ang nagsalang no'n. I checked my fridge at nakita kong may natirang fried chicken do'n mula sa Jollibee. Isang bucket ang inorder ko kaya ay given na hindi 'yon mauubos ni Alvarez. Nilabas ko iyon 'tsaka kumuha ng tatlong itlog. Itlog everyday! Kinuha ko ang phone ko para makapagpatugtog bago ako tumuloy sa pagluluto. Napangiti pa ako bago tuluyang plinay ang isa sa mga kantang gusto ko ngayon. For unknown reason, napapaindak ako sa tugtuging iyon. "Stay Gold..." ang sabay ko sa high notes ng kanta at ginamit pang mic ang sandok na hawak ko. "Stay Gold...Stay Gold..." hindi ko magawang sabayan ang Japanese na lyrics kung kaya ay 'yong English part lang ang nasasabayan ko. Napataas ako ng kilay nang makita ko kung paanong medyo humiga si Alvarez sa sofa at nagtakip ng unan sa tenga niya. Nakakainis! Ganun ba kapangit ang boses ko?! Mas nilakasan ko ang boses ko dahil sa inis! Bahala siya kung asar na asar siya sa ganda ng boses ko! Nang mahango ko ang itlog ay agad kong sinunod ang pag-iinit ng manok. Para tuloy akong may poultry rito sa bahay dahil sa mga ulam na hinahanda ko. Muli, sinabayan ko ang kantang Stay Gold ng BTS. Naging malikot din si Alvarez. Natawa ako nang bahagya dahil halatang hindi na nito alam ang posisyon na gagawin para makaligtas sa pagkanta ko. Maya-maya ay bumangon siya at tumingin sa gawi ko. I raised a brow sa gawi niya. "What?" tanong ko. He clapped his hands. "Ang galing niyo kumanta, ma'am!" ani nito, halata ang pagiging sarcastic sa tono niya. I rolled my eyes. "I know, right—" he cut me off. "Pero mas magaling kung 'di na kayo kakanta, ma'am," pang-aasar niya 'tsaka natawa. Mas tumaas pa ang kilay ko dahil sa pang-aasar niya. Dinuro ko siya gamit ang sandok na hawak ko. "This is my house, Alvarez! Huwag kang makakalimot!" Nang muli akong haharap sa frying pan ay napaatras ako sa mantikang tumalsik mula roon. Agad naman akong dinaluhan ni Alvarez nang dumaing ako sa sakit. Lintik na mantika! Pati mata ko gustong prituhin! "Patingin, ma'am." Inalis ni Alvarez ang kamay kong nakatakip sa parte ng mukha ko na natalsikan. Gently, he blew air to my affected eye. Kitang-kita ko ang detalye ng kaniyang mukha dahil sa lapit niya sa akin. Mula sa mata nitong almond ang hugis at itim na itim ang kulay, his button nose and his pinkish downward-turned lips. Gaya pa rin dati, nakatali ang buhok niyang hanggang balikat ang haba. Ngayon ko lang din narealize na bagay sa kaniya ang pagiging moreno ng kaniyang balat. Hindi ko inasahan na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa, na posibleng maging ganito kami kalapit. Halos hindi ako makahinga dahil sa lapit niya sa akin. Konting maling galaw ko lang, tatama ang labi niya sa mata ko. Hindi ko napigilan ang lumunok nang ilang beses dahil sa nangyayari. Ramdam ko rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Sabi sa inyo, ma'am huwag na kayo kumanta eh. Pati mantika, sumusuko sa boses niyo," muli ay natawa siya. Maging ang pagtawa niya ay bumabagay sa kaniya. Hindi iyon malakas at hindi rin mahina, sapat lang at ang melodious sa pandinig. Pigil na pigil akong pumikit dahil baka mahalata niyang hindi ako kumportable sa kaniyang ginawa. Hindi sa isang gaya ni Alvarez ako makakaramdam ng intimidation. Nang makaipon ng sapat na lakas, I pushed him lightly. "Ang baho ng hininga mo..." His jaw dropped because of what I said. "Ay wow, welcome po, ma'am!" he said, full of sarcasm. Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa pag-iintindi sa iniinit ko. Naramdaman ko rin ang yapak niyang papalayo na sa akin, marahil ay babalik na siya sa sala. I tried na ilagay ulit sa manok ang isip ko but no matter how hard I try, I can't calm my raging system! Nagmadali na lang ako sa ginagawa at kumuha ng pagkain na dadalhin ko sa kwarto. Hanggang sa mailapag ko ang mga dala ko ay hindi pa rin naalis sa isip ko ang nangyari. For 2 years, ngayon lang kami nagkalapit nang ganun. Ipinilig ko na lang lahat ng naiisip ko 'tsaka kumain na ng agahan. Nang makatapos ay naging mabilis din ang pagbaba ko para hugasan ang pinagkainan ko. Naabutan ko si Alvarez na kumakain din sa sala. Nariyan na naman ang kakaibang pakiramdam sa loob-loob ko nang muli ay tapunan niya rin ako ng tingin. "Kain, ma'am," ani nito, naroon na naman ang ngiti sa labi niya. I rolled my eyes at dumiretso na sa lababo. Halos sumakit ang pang-ibabang labi ko dahil sa tindi sa pagkagat ko roon dala ng bigat ng nararamdaman ko habang malapit sa akin si Alvarez. Kung gaano ako kabilis na bumaba ay gano'n din kabilis ang pagbalik ko sa kwarto. The moment I closed the door, I placed my hand on my chest, feeling its heartbeat. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Ang tanong ay bakit? s**t! Baka may sakit ako sa puso?! O di kaya'y nagpapalpitate ako?! O di kaya'y—no! Imposible! Sa tanang buhay ko, hindi ko naranasan ang magkaroon ng seryosong relasyon. Lahat ay panay laro-laro lang. Hindi pa ako ready magcommit sa isang tao dahil alam kong kaakibat ng pagmamahal ay matinding sakit. Coming from a broken family really broke my heart. Hindi ko alam kung paanong magtitiwala sa ibang lalaki gayong ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko ay nagawang sirain ang puso ko. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko. Nang makitang galing kay Zuriel ang message, agad ko iyong binuksan. From: Zuriel Night out? I bit my lower lip dahil hindi ko alam kung papayag ako sa aya nito. Straight na rin ang nagiging inom namin at nalalabag ko na ang sinabi ni Daddy na grounded ako pero dahil wala naman ako sa puder nila, tingin ko ay okay lang na sumama kay Zuriel. Besides, I needed a drink, too! To: Zuriel G. Text mo loc and time. Mabilis din naman ang naging pagreply ni Zuriel. From: Zuriel Same place. 7:00 pm. See ya, babe! P.S no Paul this time. Swear! To: Zuriel See ya, Z! I looked at my clock at masyado pang maaga. Nag-isip ako ng pwedeng magawa sa araw na iyon habang nagpapalipas ng oras. Sa huli, naisipan ko na lang na magcheck ng email ko. I forgot to mention, I'm on my one week leave sa trabaho. Mabilis namang nabigay ang leave na gusto ko dahil Daddy ko naman ang may-ari ng kompanyang pinapasukan ko. I am a graduate of Legal Management habang si Heather naman ay gustong sumunod sa yapak ni Daddy bilang isang doktor and she's a part time model. Ginusto rin ni Daddy ang Medicine para sa akin pero ayokong kumuha ng kurso na labag sa loob ko kaya kumuha ako ng kursong malayo sa gusto niya. I am happy because my decision led me to Zuriel, my bestfriend and my only friend. Nakita ko ang samot-saring notifications from various social media accounts na meron ako. When I checked my primary email, nakita kong may iba roon na galing sa opisina at pinapareview sa akin. Karamihan ay mga bagong pasok na kontrata sa kompanya and as the Legal Officer and Contract Manager ay trabaho kong aralin ang bawat detalye ng mga kontratang iyon. I downloaded the files 'tsaka naglog out na rin agad. Isa-isa kong binasa ang mga kontratang iyon. I made sure that I understood word per word in each contract. After I finished reviewing these contracts, it will be passed on to the President of the company, which is my Dad, and it will be signed. After the contract signing, there's no turning back. The contract binded two companies legally at ang isa sa mga iniiwasan ay ang pagbreach nito, that's why it's a necessary process to review contracts thoroughly bago pirmahan. I find it amusing how almost all of the contracts has its liabilities and indemnity clause. It only proves how much the owner protects his or her company. Almost 2:00pm na nang matapos ako sa pagbabasa. Naisend ko na rin ang bawat kontrata sa Secretary ni Daddy kasama na ang ibang recommendations ko. I was about to lie on my bed again but a knocked on my door stopped me from doing it. Agad kong binuksan ang pinto ko at bumungad sa akin ang mukha ni Alvarez. Nakangiti siya habang dala-dala ang tray na may lamang pagkain. "Ma'am kain," aniya. Mas niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan saka inabot ang tray. Ingat na ingat ako na hindi magtama ang mga kamay naming dalawa. Simpleng adobong manok, kanin at tubig ang laman ng tray. Tumikhim muna ako bago magsalita. "You cooked?" Napakamot siya sa batok niya. Ngayon ko lang narealize na favorite habit niya ang bagay na 'yan.  "Binili ko lang po sa labas, ma'am eh," aniya. "Thanks, Alvarez," sabi ko 'tsaka bahagyang ngumiti. Nginitian niya rin lang ako bago bumaba. For 2 years, ngayon lang 'to nagawa ni Alvarez sa akin. For the first time, pigil na pigil ako ng ngiti ko habang kumakain. Nang makatapos ay agad kong binaba ang pinagkainan ko. Wala rin sa sala si Alvarez, siguro'y may pinuntahan. Mabilisan kong hinugasan ang mga platong nagamit ko 'tsaka muling umakyat sa kwarto para maghanda ng susuotin mamaya. I picked Neiman Marcus Lace-Inset Cap-Sleeves black mini dress and partnered it with Allegra K black ankle strap stiletto. I looked at my clock and it's 2:30 pm palang. Still early dahil 7:00 pm pa ang usapan namin ni Zuriel. Hindi ko pa rin naiisip kung isasama ko si Alvarez ngunit mas pinili ng loob kong huwag na siyang isama. Kailangan ko lang makaisip ng paraan kung paano siya tatakasan...ulit. Since he's not here, maybe I can leave early. Right! I texted Zuriel for sudden change of plan. I informed her to meet me at the bar at exactly 5:00 pm. From: Zuriel Ayos ng hapunan natin but game. See ya! I went to the bathroom right away. After an hour, I finished taking a bath. Agad akong humarap sa vanity mirror ko para mag-ayos. Hindi na ako nag-abala na maglagay ng make up. Instead, I applied blush on and Rogue G Jewel Compact Guerlain lipstick in the shade of red. I tied my hair in ponytail 'tsaka mabilis na nagbihis at nagsuot ng heels. I picked up my phone and my wallet at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Wala pa rin sa sala si Alvarez kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na 'yon para umalis. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at umalis nang tuluyan. I smirked dahil naisahan ko na naman si Alvarez. 4:45 pm, I arrived at my location. Nakita ko rin sa parking lot ang kotse ni Zuriel kaya for sure ay nasa loob na siya and I was right. I saw her na prenteng nakaupo sa isa sa mga stool sa may bar counter. I greeted her with a smile 'tsaka bumeso rito. "Walang available na VIP room so dito na lang tayo, I guess," sabi ni Zuriel sa akin. "Damn those people na nagpareserve!" I sit beside her as I watched her frowned. "A bottle of Spirytus Vodka please," sabi ko sa counter. Nanlaki ang mata ni Zuriel sa inorder ko. "Babe, seriously?! 95 percent alcohol volume niyan!" I smirked. "Gusto ko lang itry. Malay mo, weak na alak naman pala," mayabang kong sinabi. Fuck! "Gaga ka, sabi ko sa'yo malakas tama nito eh," sabi ni Zuriel habang natatawa. Natawa rin ako dahil sa kaniya kahit hilong-hilo na. "Parang ihi ni Satanas ang isang 'to. Solid yung guhit! s**t!" dagdag niya 'tsaka muling tumawa. "Pakiramdam ko hinihiwa esophagus ko. Sabagay magkatunog naman ano? Spirytus, esophagus!" natawa ako sa sarili kong korning biro. "Never again!" dagdag ko. Tinuro ako ni Zuriel. "Oh, pucha, inom lang, walang iiyak ha?" ani nito, nang-aasar. Hinampas ko siya sa braso. "Gaga! Pagod na ako umiyak!" "Ayon kasi level 999 ng lasing eh," natawa siyang muli 'tsaka nagpakita ng daliri niya. "Level 1, yung hilo pa lang. Level 5, 'yong nag-iingay na. Level 100, 'yong nag-eenglish na..." she paused 'tsaka tumawa, natawa rin ako dahil sa pinagsasasabi niya. "Level 999, umiiyak na!" Pinagtitinginan na kami dahil sa kakatawa namin ngunit pareho kaming walang pake ni Zuriel. This is one of the best nights of our lives! "Hi, sweetie! You missed me?" Natigil ako sa pagtawa at agad na napatingin sa lalaking bigla-biglang sumulpot mula sa kung saan at tumabi sa tabi ko. Tila pareho kaming nahimasmasan ni Zuriel dahil sa pagsulpot ni Paul. I crossed my arms then raised a brow. "What the f**k are you doing here, Laxamana?!" tanong ko, hindi makapaniwala. Napapikit pa ako matapos nun dahil sa naramdaman kong pag-ikot ng paligid ko, dala marahil ng kalasingan. Binalingan ko si Zuriel. "I thought no Paul, Z?!" She raised her hands up in tha air, as if sumusuko siya. "Girl, don't blame me. I swear, I did not invited him!" Napapikit pa ako bago bumaling ulit sa gawi ni Paul. "You're not invited here, Paul. So please, leave," sabi ko sa mahinahon pero may awtoridad na pananalita. Ngunit imbes na umalis ay kinuha niya ang basong hawak ko at dire-diretsong ininom ang laman no'n habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito matapos ng ginawa niya. "Spirytus?!" tanong nito, hindi makapaniwala. I rolled my eyes! Duh! Isn't it obvious?! Agad niyang nilayo sa amin ang boteng halos paubos na rin ang laman. "I don't want to see you wasted, sweetie. I'll take you home—" I scoffed! "Wow! What are you now, huh?! A knight without shining armour?! I don't need you, Paul!" asik ko. "Ibalik mo nga 'yong alak!" Pinilit kong kunin ang boteng inilalayo niya sa akin but I failed! His arms are just too long! "I know, sweetie but please, let me take you home—" akmang hahawakan niya ako gamit ang libreng kamay niya ngunit mabilis kong pinalis ang kamay niyang hahawak dapat sa akin. Lahat ng inis ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw, lumalabas. Naduro ko siya and he looked so helpless. "I don't need you, Paul. Pagkatapos mo 'kong ilagay sa alanganing sitwasyon, now what?! Magiging mabait ka?! What for?!" He breathed, tila nagtitimpi dahil kahit papaano, nasa pampublikong lugar kami. "I left work just so I can fetch you so please, Gilmarie. Cooperate with me, sweetie." I laughed in a very sarcastic manner. "Cooperate with you? You wanted a good show, huh?" "Gilmarie, nagwoworry lang naman ako sa'yo! I may be an asshole o kung ano pa mang iniisip mo tungkol sa akin but ayoko pa ring mapahamak ka at maging laman ng kung ano-anong balita, lalo na ngayong involve ka sa akin!" saad niya.  "So please, sweetie, let me take you home." "No!" I said, firmly. "Gilmarie—" I cut Zuriel's words nang aawatin niya ko. "No, Z! I went here alone, I'll go home alone!" sabi ko bago muling binalingan si Paul. Nakita ko rin na may ibang napapatingin sa gawi namin pero wala sa kanila ang pake at attention ko ngayon. "You know what? I hate you for using girls na parang laruan lang kami!" singhal ko kay Paul. Do'n ko na mas naramdaman ang sakit ng sentido ko. Pinilit niya pa akong hawakan ulit ngunit mabilis kong pinalis ang kamay niya 'tsaka tumayo. Nahihilo man, I tried my best to stand straight. Akmang tatayo rin si Zuriel pero mabilis ko siyang pinigilan at sinabihang mag-enjoy lang siya. Halata ang pag-aalala sa mukha nito but I told her not to worry about me. I can take care of myself, I don't need anyone. Nang maglalakad na sana ako, may biglaang dumaan sa tabi ko at nasagi ako. Dahil sa nangyari, muntikan akong matumba ngunit gano'n na lang kabilis ang naging paghigit sa akin ng kung sino para hindi ako tuluyang bumagsak. To my surprise, I saw Alvarez na seryosong nakatingin sa akin. Nakakapit ako sa braso niya habang ang kabilang braso niya'y nakaalalay sa bewang ko. When his eyes met mine, naramdaman kong muli ang kakulangan ng hangin at ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Sinabi ko na sa'yong huwag ka nang tatakas sa akin," sabi niya sa banayad ngunit nagtitimping boses. I saw how his jaw clenched. Ang paghigit sa akin ng kung sino ang tuluyang naglayo sa aming dalawa. In a snapped, I found myself being kissed by Paul and flashes of camera followed after.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD