CHAPTER 4

2844 Words
GILMARIE "You're out of your mind!" asik ko sa kausap ko sa kabilang linya.   Tinawanan niya lang ang sinabi ko kaya halos masugatan ko na ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis.   "Hindi ba halatang seryoso ako sa'yo, Gilmarie?"   "Hindi pwede ang gusto mo!" matigas kong tinuran tukoy pa rin sa sinabi niyang maging kanya ako nang hindi sinagot ang tanong niya sa akin.   "I'll call my management para itake down ang balita, just be mine. Madali akong kausap, sweetie," aniya.   Pakiramdam ko'y sasabog ako dahil sa kaniya. Nakakainis na nakakagalit na nakakaubos ng pasensya!   "Fine!" sa huli'y wala akong nagawa. Naibagsak ko ang katawan ko sa aking kama dala ng inis. I can't believe na dinadaig ako ng isang Laxamana. Ako na isang Saavedra, bumigay sa isang deal para lang madaling malinis ang kalat na nangyari kagabi. Kung pwede ko lang gamitin ang reputasyon na mayroon ang pamilya ko, I will ngunit alam ko rin na mas ikagagalit lang ng tatay ko ‘yon.   "I love you, baby," sabi pa nito.   Pinatayan ko na siya ng tawag. Ang isang 'yon, kung hindi tunog aso ay sanggol naman ang tawag sa akin! Hindi ko naiwasang mafrustrate dahil sa bilis ng mga pangyayari. How the hell did I end up here?! Sa ganitong sitwasyon na wala akong pagpipilian?!   I sighed, pilit na kinakalma ang sarili. May kung ano sa loob ko na gustong sisihin si Alvarez pero deep inside, alam kong wala siyang kasalanan. He defended me. Kung tutuusin ay dapat pa akong magpasalamat.   Ilang minuto lang, I received a message from Paul. He said na okay na lahat, malinis na ang laman ng balita. But I was shocked to see na ang dami kong notifications! Sa twitter, sa i********: at sa f*******:! I opened 1 na nasa twitter and halos maibato ko ang phone ko nang wala pang isang oras ay trending na ang sa amin ni Paul, na kami na. I searched his name on Twitter at hindi naman ako nahirapan dahil public account iyon at nakita roon ang tweet niya.   Gilmarie Saavedra. Finally mine. 212K comments. 560K retweets. 1.7M likes.   Hindi pa man ako nakakabawi, agad na nagring ang phone ko. Sinagot ko agad ang tawag nang makitang galing kay Zuriel iyon.   "OMG!” mabilis kong nailayo mula sa tenga ko ang cellphone ko. "What happened?! I saw Paul's tweet, totoo ba?! Girl, make some kwento! I am panicking!"   I sighed. "Yes, it's true but it's nothing serious. ‘Yong pagsapak ni Alvarez sa kaniya ay nakarating sa ibang news outlet so I have to do something para malinis 'yon," sabi ko.   "So, you don't like him, and he blackmailed you lang?"   "Yes. But don't worry, I am fine. I don't know what will happen next, but I am fine," sabi ko.   I heard her sighed mula sa kabilang linya. "I'm really sorry, Gilmarie. Pakiramdam ko, ako ang nagdala sa'yo sa ganyang sitwasyon," halata sa boses nito ang guilt.   "Pareho naman nating hindi alam na ganito ang mangyayari, Z. Huwag ka maguilty b***h. Hindi bagay sa'yo." I tried to laugh it off and she did the same thing.   Hindi na rin nagtagal pa ang usapan namin at agad ding nagpaalam sa isa't-isa. Bigla-bigla, pumasok na naman sa isip ko lahat ng nangyari. Sa sobrang bilis nito, I don't know how to keep up.   Paul's good looking. Kung itsura ang basehan, wala akong maipupuna sa kanya. Plus, the fact na mayaman at sikat siya, he's a good publicity for me. But deep inside, gusto ko lang ng tahimik na buhay. A life where I can be genuinely happy and free. A life na hindi kagaya sa buhay ko bilang Gilmarie Clement Saavedra.   People thought na everything's possible kapag may pera ka. Little do they know, hindi lahat ng mayaman ay masaya. Noon pa man, alam ko na agad na malaki ang kulang sa akin. I have money but the things and scenarios I wanted; they can't be bought.   Now, I am in another situation na hindi ko na naman alam kung paano ko lulusutan. Being a Saavedra, I guess, has its own limitation. Besides, Laxamana's a very different and dirty kind of man to play with. Kahit sandali ko pa lang siyang nakikilala, alam kong hindi siya madaling sumuko at ayaw niya na nagpapatalo. What he wants is what he gets.   Naputol ang pagmumuni ko nang may kung sino na namang kumatok sa pintuan ko. Agad ko iyong pinagbuksan at bumungad sa akin ang mukha ni Alvarez. I raised a brow without asking him a question. Inaasahan kong sa simpleng aksyon ko na 'yon, alam niya agad ang sasabihin. But minutes passed and nanatili lang siyang tila masisilaban sa harap ko.   "What do you want?!" iritable kong tanong.   Napakamot siya sa batok niya. "Kasi ma'am ano..."   "Ano?!"   "Sorry po," halos pabulong nang sabihin niya iyon ngunit gayunpaman, ramdam ko ang sincerity ng boses niya.   I smiled a little kahit hindi niya iyon nakikita. "Ayos lang," simpleng tugon ko.   Agad naman siyang nag-angat ng tingin matapos kong sabihin 'yon. Tila masaya siya sa narinig kaya nagawa niya na ring ngumiti. Nagpaalam din naman ito kaagad at bumaba na sa sala kung saan lagi siyang nakaupo. Marami naman siyang mapagkakaabalahan doon kung kaya kahit papaano, hindi ko na siya inisip nang makabalik ako sa loob ng kwarto ko.   I got my phone again and placed my order sa Jollibee. Wala akong lakas para magluto at 'di hamak naman na mas matitino ang pagkain kung oorder ako. Sa kakaitlog ko kada araw, baka maging inahin na ako. Kidding!   After few minutes, may nagdoorbell mula sa baba. Agad naman akong lumabas ng kwarto ko dahil for sure, yung order ko na 'yon. Nang makababa ako ay nabuksan na ni Alvarez ang pintuan. Seryoso lang din ang tingin niya sa nakita niya sa pinto.   "Bakit di mo kinuha yung—Paul?! What are you doing here?!"   Nagulat ako sa pagsulpot ng isang pamilyar na pigura ng lalaking kanina'y kausap ko lang sa phone. Paul is standing right in front of us, wearing his khaki shorts and a simple white polo shirt. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito, marahil dahil sa tama ng suntok ni Alvarez kagabi. Ang malapad na ngiti nito ang nagdulot ng mas matinding inis sa sistema ko. I saw how he smirked sa gawi ni Alvarez na nasa likuran ko lang bago muling tumingin sa gawi ko.   "Here to fetch you, sweetie. We're going on a date!" sabi niya.   I laughed sarcastically. "What made you think na gusto kong makipagdate sa'yo?!"   "May choice ka ba?" tanong nito, halatang nang-aasar.   Wala! Wala akong choice dahil may kailangan akong linising gulo! f**k!   "Wait for me, magpapalit lang—"   "Makikipagdate ka sa gagong 'yan, ma'am?!" tila hindi makapaniwalang tanong ni Alvarez. "Binatos ka niyan, ma'am!"   "Yes, Alvarez," I sighed 'tsaka siya tinignan. "May inorder akong pagkain. Eat it."   "Pero—"   "No buts, Alvarez. I can handle myself."   Pareho ko na silang iniwan sa sala at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat sa kwarto ko. Inasikaso ko na muna ang sarili ko 'tsaka mabilis na naghalungkat sa closet ko ng susuotin. I bit my lower lip thinking what I should wear. Simple clothes are better.   I decided to wear a simple Louis Vuitton frill blouse partnered with a Louis Vuitton monogram A-line wool silk mini skirt. I put on a light make up and a Louis Vuitton star trail ankle boots. A simple black Louis Vuitton boite chapeau souple mm bag completed my outfit.   Agad na rin akong bumaba nang masatisfy sa suot ko. Ayokong isipin niya na pinaghandaan ko ang biglaang date kuno namin na 'to. Besides, I still consider myself as a property of no one.   Mula sa taas ay kitang-kita ko kung paanong nagtatagisan ng titig sina Alvarez at Paul. Pareho silang nakaupo sa magkahiwalay na sofa sa loob ng bahay ko. Tumuloy na ako sa pagbaba. Nang maramdamang naroon na ako ulit sa baba ay 'tsaka lang sila natigil sa pagtititigan.   Paul looked at me from head to toe. I rolled my eyes at him nang muli ay nagtagpo ang aming mga mata. Natawa lang naman siya nang bahagya dahil sa ginawa ko.   "Shall we?" tanong ni Paul.   I gave a simple nod as an answer. Aangal pa sana si Alvarez sa pagsama ko pero mabilis ko siyang pinigilan. Ipinaalala ko na lang ulit ang order ko sa Jollibee na siya na lang ang kakain.   Isang Aston Martin One-77 ang bumungad sa akin paglabas namin ng gate. I was in awe dahil sa kotseng iyon. I wanted one of this nang lumabas ito sa merkado but I was too late. 77 pieces lang ang nilabas na ganito so it's understandable na mabilis naubusan ng stocks. The price of this car is 1.87 million f*****g dollars if I am not mistaken and that's 93, 479, 579.60 in Philippine peso! I can feed thousands of barangays with that big amount of money! Walang sinabi ang simpleng Mercedes Benz ko na worth 4 million lang sa kotseng 'to!   "You like my car?" tanong ni Paul nang makasakay kami sa sasakyan niya.   "No, thanks. I can buy a brand new one," sagot ko.   He laughed dahil sa sinabi ko. "It's out of stock, sweetie," sabi niya. "If you want this, I can give it to you," he added, cockingly.   Napaamang ang bibig ko dahil sa kayabangan niya. Minamaliit niya ba ang isang Saavedra na gaya ko? I can buy a car na mas mahal kesa rito. Duh!   "No thanks, Paul. Hindi ako gumagamit ng napaglumaan na ng iba," I answered.   I saw how his lips rosed up dahil sa sinabi ko. Kung payabangan ang labanan, I can give him that. Kung marami siyang pera, mas marami ako. Maliban sa allowance na binibigay ni Daddy sa akin, nagtatrabaho rin ako sa sarili naming kompanya at sumasahod ng 6 digits, take note, a month. So I don't need his money nor siya mismo dahil kaya kong tustusan ang sarili ko.   "Look," ani nito saka turo sa labas ng sasakyan. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita roon ang isang billboard na siya mismo ang modelo.   "100,000 for that simple billboard," sabi niya. Tukoy siguro sa binayad sa kaniya sa pagmomodelo lang ng gano'n.   I smirked. "Sml?"   "Sml?" tanong nito, nagtataka.   "Share mo lang. Duh," pagtataray ko.   I was kind of surprised to know na maraming tao ang hindi alam ang mga ganung words. Well, at first, I didn't know about those words either but being with Alvarez, marami akong natututunan. GMG, skl, sml, werpa, arep, repa, awit at kung ano-ano pa! Hindi classy sabihin but sometimes, nahahawa na rin talaga ako kay Alvarez. Siguro oras na para lumayo-layo ako sa kaniya.   I felt uncomfortable nang sa mall kami pumunta. Paul's a public figure kaya paniguradong pagkakaguluhan kami ng mga tao rito. Iyong post niya pa nga lang sa twitter ay pinagkaguluhan na, ito pa kayang makikita kami ng maraming tao na magkasama? I am sure, mamaya lang ay nasa balita na naman ito.   "You sure na rito tayo? Mall 'to, Laxamana," pag-iinform ko sa kaniya kahit obvious naman kung anong lugar 'to.   "I know. Gusto ko lang ipangalandakan sa iba na akin ka," sagot niya saka naunang bumaba ng sasakyan para umikot at pagbuksan ako.   Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa entrance, maraming mga mata na ang nakatingin sa amin. Ultimo ang security guard ng mall ay kilala siya. Alam kong sikat si Paul ngunit ngayon lang mas nagsink in sa akin kung gaano siya kasikat.   "Hala si Paul!" "Shet! Ang swerte ng girlfriend niya!" "Ate Gilmarie, how to be you po?" "Paul, marry me!"   Halos sumakit ang tenga ko sa pinagsasasabi ng karamihan sa mga babae rito sa Paul. Tila tuwang-tuwa naman si Paul dahil sa attention na binibigay sa kaniya ng mga tao sa paligid namin. Nagulat ako nang bigla ay hinawakan niya ang kamay ko. Mas lumakas din ang tilian sa paligid namin.   "What are you doing?" pabulong kong tanong 'tsaka ngumiti para kunwari ay nag-uusap lang kami.   "Marking my property," sagot niya bago pinisil nang bahagya ang pisngi ko at ngumiti.   "Hala ang sweet nila!" "Bagay na bagay sila ano?" "Sana magkasama sila sa iisang movie." "Nakakainggit naman si ate Gilmarie!"   Kahit rinding-rindi ay napilitan akong ngumiti. Hanggang sa makapasok kami sa isang kainan doon, hindi pa rin nawala ang mga bulong-bulungan. I wonder kung ganito talaga kapayapa kada lalabas siya para hindi na niya kailangang magsama pa ng bodyguard. Pinagkakaguluhan man at pinag-uusapan, hindi siya dinudumog ng mga fans niya. Samantalang ako na hindi naman public figure, may sariling bodyguard pa. Kung sabagay, mas importante ako kesa kay Laxamana.   "Order lang nang order, sweetie. Ako bahala magbayad ng kahit na anong gusto mo," sabi ni Paul, halatang nilakasan pa iyon para marinig ng mga taong malapit sa amin. Nakita ko rin kung paanong kiligin ang waiter na nag-aasikaso sa order namin.   Binigyan ko si Paul ng isang matamis na ngiti. "Aw, that's so sweet of you. But don't worry, I can pay for my own meal. Kahit lahat pa ng customer dito ay bayaran ko ang bill, walang problema," sagot ko.   Nakita ko kung paanong nabawasan ang ngiti sa labi ni Paul, tila hindi inaasahan ang tinuran ko. Bahagya kong tinakip ang menu na hawak ko sa aking mukha 'tsaka palihim na ngumiti muli.   Mabilis na inasikaso ng waiter ang order namin. Bigla namang nagring ang phone ko. I excused myself then answered the call as quickly as possible when I saw who is it.   "Dad," bungad ko.   "You're in a mall with Laxamana. Why?" tanong niya.   Nagulat pa ako sa tinanong nito ngunit agad ding napawi ang gulat ko nang maalala ko kung sino ang kasama ko. Of course, mas mabilis na kakalat ang balita dahil si Laxamana 'to!   "You told me to clean my own mess. That's what I'm doing," sagot ko.   I heard him sighed from the other line. Tila hindi inasahan na gano'n ang gagawin ko. "Great, then. Don't do anything na sisira sa apelyido natin. For once, act like a real Saavedra, Gilmarie,"   He ended the call at halos mabato ko sa kung saan ang cellphone ko dahil sa mga huling sinabi ni Daddy. Ramdam ko rin ang hirap sa pagpapaimpress dito dahil kahit anong gawin ko, lagi siyang may nasasabi. This life, I hate this life!   "You fine, sweetie?" tanong ni Paul nang makabalik ako sa mesa namin.   Agad ko siyang inismiran. "I'm fine as always, Paul."   Hanggang sa makakain kami ay hindi na nawala ang pait sa sistema ko. Marami pa kaming ginawa ni Paul sa mall ngunit wala sa mga iyon ang naenjoy ko. Ang inis ko ay dinagdagan pa ng mga kung ano-anong bulungan na naririnig ko sa paligid namin. Ngayon palang ay pinagsisisihan ko na na pumayag ako sa letseng deal namin!   Nawala ang pilit kong ngiti nang makasakay kami ulit sa sasakyan niya. Nakakapagod magpanggap na okay at masaya kahit hindi naman. Is this what public personalities always do? Hindi ko kayang tagalan ang ganito!   Hanggang sa maihatid ako ni Paul sa bahay ko ay wala na kaming naging imikan. Akmang bababa pa siya para pagbuksan ako pero mabilis ko siyang napigilan.   "Huwag ka nang bumaba. Kaya ko sarili ko," sabi ko. Akmang bababa na ako ng passenger seat ay mabilis niyang nahuli ang pulsuhan ko upang pigilan ako. Dahil sa ginawa niya ay napaupo ako pabalik sa passenger seat at naiwang bukas ang pinto ng sasakyan niya.   "What?!" iritable kong tanong habang kunot na kunot ang noo.   "I am serious about you, Gilmarie," sinabi niya ang mga katagang iyon sa seryosong paraan. Wala akong naisagot sa sinabi niya.   He cupped my face at bago pa man ako makaiwas ay dumampi na ang mga labi niya sa noo ko. Hindi rin ako agad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Tumagal ng ilang segundo ang pagkakalapat no'n at halos mahigit ko ang aking paghinga lalo na nang may magsalita mula sa labas.   "Ma'am Gilmarie."   Kung gaano kabilis ang lahat ng pangyayari ay gano'n ko rin kabilis na naitulak palayo si Paul matapos kong marinig ang boses ni Alvarez. He caught us in that awkward situation! Nang makababa ako sa sasakyan, ang seryosong tingin ni Alvarez ang sumalubong sa akin. Hindi ko siya nagawang tignan dahil sa mga nangyari kaya dumako sa paanan niya ang paningin ko.   Mula sa peripherial vision ko ay nakita ko ang pagbaba ni Paul mula sa kaniyang sasakyan.   "Thanks for today, sweetie. Take care and I love you," sabi nito ngunit bigo siyang kunin muli ang pansin ko.   "Yeah," sabi ko habang ang mga tingin ay nasa paanan pa rin ni Alvarez.   Hanggang sa makaalis si Laxamana ay wala kaming naging imikan ni Alvarez. Seryoso pa rin ang tingin niya nang magawa ko iyong salubungin. I heard him sighed bago siya naunang pumasok sa bahay ko. Agad akong sumunod sa kaniya and I was surprised to see na pumasok lang siya para kunin ang susi ng sasakyan na gamit niya at dali-dali ring umalis.   Now, what the hell is his problem?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD