CHAPTER 3

2105 Words
GILMARIE POV "Gilmarie Clement, maghinay-hinay ka!"   "Ma'am, hindi po tubig 'yan!"   Panay ang pigil sa akin nina Zuriel at Alvarez sa kung anong alak na tinutungga ko. I don't give a damn kung anong iisipin ng mga nakakakita but I really need to drown myself para lang kahit papaano ay mawala ang sama ng loob ko. This is not classy but who cares?!   "Girl, ano ba!" ani Zuriel 'tsaka muling inagaw ang bote ng vodka na iniinom ko. Bumaling ako sa ibang inumin ngunit halos yakapin na ni Alvarez ang mga iyon. He's beside Zuriel habang solo ko ang isang sofa sa VIP room na okupado namin. "I get it, okay?! Masama loob mo...but chill!"   "I hate her, Zuriel! I really, really hate her!" sabi ko, tukoy kay Heather.   "I know, babe. I know. I hate her, too but please, hinay-hinay," sabi ni Zuriel.   Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Nangangalaiti pa rin ako kada maaalala kung paanong ginamit na naman ni Heather ang paawa effect sa Daddy ko at kahit na ilang taon na ang nakararaan, effective pa rin ang drama nito kay Daddy.   "I called Paul—" I cut Zuriel off.   "What?!"   "He's coming, babe. So, mag-ayos ka na because you look like a mess," ani Zuriel.   "Zuriel, I hate that guy! I don't want him—"   Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may magsalita mula sa aking likuran. "Ouch, sweetie! That hurts!"   Awtomatikong nag-on ang maldita radar ko nang marinig ang boses ng lalaking ayaw ko sanang makita o makasama man lang ngayon. I raised a brow, crossed my arms and faced him.   "My name's Gilmarie Clement, not sweetie, you idiot!"   He chuckled. "Gilmarie Clement? Sounds like sweetie to me," then he smirked bago tumabi sa akin. Umusog ako sa pinakadulong parte ng sofa just so he can't get near me. Natawa naman ito sa ginawa ko. Maging si Zuriel ay natawa dahil do'n pero si Alvarez ay nanatiling nakakunot ang noo habang nakatingin kay Paul. Yakap-yakap pa rin niya ang mga alak kaya ay hindi ako makakuha ng inumin.   I pressed the button beside me. Every VIP room has this special button that will connect you to the bar counter. I placed my order at halos mamura ako ni Zuriel sa ginawa ko.   "Ang dami pa nating alak tapos umorder ka na naman?!"   Dinuro ko si Alvarez, nagulat naman ito sa aksyon ko. "Yakap-yakap niya lahat, anong gagawin ko rito? Magrorosaryo?!"   Napailing-iling na lang si Zuriel sa pinagsasasabi ko. Hindi ko naman maikakaila na medyo naliliyo na ako dahil sa pinaghalo-halong alak sa sistema ko. Kahit anong mahawakan ko kanina ay dumidiretso agad sa bibig ko. Hindi ko nagawang indahin ang kakaibang guhit ng mga alak sa lalamunan ko. Ang alam ko lang, gusto kong uminom para makalimot sa pinaggagagawa ni Heather.   Sa pagkakatanda ko, hindi naman ako bida sa isang teleserye pero bakit ganito ang buhay ko? Sa dami ng taon na kasama ni daddy si Heather ay hindi pa rin siya nasanay sa kaplastikan ng babaeng 'yon o sadyang pinipilit niya na lang na magbulag-bulagan? Kahit papaano, I am glad na hindi ako sa mansyon nakatira. Hindi ko kakayanin kung araw-araw kong makikita ang pagmumukha ng isang 'yon. Panigurado rin kasing araw-araw ay mapapagalitan ako ni daddy dahil never ko talagang makakasundo ang isang 'yon!   Nabuhay lang ang saya sa loob ko nang dumating na ang tower ng Sangria na inorder ko. Agad akong nagsalin sa baso at diretsong inubos ang laman no'n. Pareho namang nakapako sa akin ang tingin nina Zuriel at Alvarez, nakaamang din ang bibig nilang dalwa dahil sa nasasaksihan.   "Sweetie, anong problema?" tanong ni Paul.   "Ikaw at ang pagtawag mo ng sweetie na tunog aso ang problema!" asik ko sa kaniya.   Narinig ko ang pagtawa nito. "You're harsh."   "You two look good together," ani Zuriel. Halata sa tono nito na nang-aasar siya. Well, lucky her dahil nakakaasar nga na marinig iyon.   "But your friend right here, ang hirap paamuhin," sabi ni Paul kay Zuriel.   I rolled my eyes. "I am not a wild animal, Paul!"   Lumapit ito sa pwesto ko at bahagyang nilapit ang kaniyang bibig sa tenga ko. The short distance between us made me breathless. Hindi dahil sa awkward but because kinikilabutan ako sa lapit nito sa akin. "But I know a thing na pwedeng wild ka—"   Hindi na natapos ni Paul ang sasabihin nang salubungin ng mukha niya ang isang suntok na mula kay Alvarez.   "Aba'y gago ka pala, eh!"   Aambahan pa sana ng suntok ni Alvarez si Paul na nalaglag mula sa pagkakaupo sa sofa kung hindi lang mabilis na napigilan ni Zuriel ang isa. Sa gulat ay napatayo rin ako mula sa pagkakaupo at saka natutop ang bibig.   "Bastusin mo na lahat pero huwag ang amo ko, ha!" ani Alvarez, nanlilisik ang mga mata habang dinuduro si Paul.   "Anong problema mo, dude?! Alalay ka lang pala tapos ganyan ka kung umasta?!" sabi ni Paul at saka tumayo. Bakas ang inis sa reaksyon nito. Hindi ko siya masisisi dahil wala namang tao ang sasaya 'pag nasapak siya.   "Pumili ka ng babastusin mo! Gago!"   Nang akmang susugod si Paul sa gawi nito ay mabilis na hinarang ni Zuriel ang sarili sa harap ni Alvarez. Sinesenyasan niya si Paul na tama na.   Wala akong ibang nagawa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung bakit biglang ganyan ang inasta ni Alvarez. Ngunit kahit papaano, nagpapasalamat ako sa ginawa nito. May kalandian ako sa katawan but that doesn't mean na pwede na akong bastusin ng kahit na sino. Kahit pa ang artistang kasama namin ngayon!   "Zuriel, I think I'll go na," I said. I gave her an apologetic look at saka tinapunan lang ng tingin si Paul na masama pa rin ang tingin sa gawi ni Alvarez.   She nodded then mouthed sorry. I smiled a little bit at hinila na si Alvarez paalis ng bar na iyon.   Going here was fine not until Paul entered the scene. Imbes tuloy na mawala ang iniisip ko ay nadagdagan iyon. Hanggang sa makapasok kami ni Alvarez sa sasakyan ko ay wala kaming naging imikan.   "Idadaan na muna kita sa mansyon bago ako uuwi," sabi ko habang diretso lang ang tingin.   "Sige, ma'am."   Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at saka kami umalis sa bar na iyon. Buong byahe, tanging ingay lang na nagmumula sa aircon at ang paghinga namin ang naririnig ko. Wala siyang sinabi sa mga nangyari kanina at gano'n din ako. Hindi ko pa rin inasahan ang lahat sa sobrang bilis ng mga nangyari. What Paul said wasn't right at kahit papaano, tama naman si Alphrase nang depensahan niya ako kasi trabaho niya 'yon but somehow I got worried. Artista si Laxamana at hindi malabo na lumaki ang isyu lalo na kung may magiging pasa ito dahil sa nangyari. On the other hand, mukha namang makapal ang mukha niya kaya for sure na hindi siya magkakapasa.    Hanggang makarating kami sa mansyon ay walang sinabi si Alvarez. Ni ang magpasalamat ay hindi na nito nagawa. Tinignan ko pa ang papalayong likod nito bago naisipang umuwi na rin sa bahay ko. Do'n ko lang din narealize na naiwan ni Alphrase ang kotse na ginagamit niya rito kaya hindi ko alam kung paano siya papasok bukas. Baka magpahatid na lang siya o magpadaan sa isa pang driver din sa mansyon. Ayaw ko naman na sunduin siya matapos niya akong hindi imikin. Kung nagmamaldita siya ay mas maldita ako sa kaniya.   I got my phone and I saw that I received a text from Zuriel.   From: Zuriel I'm sorry. :( Bawi ako sa sunod. Will not let Paul join us again. Promise!   To: Zuriel It's fine. :) Not your fault, Z. Take care.   Binato ko na lang sa kung saan ang cellphone ko bago naglinis ng katawan. Pilit kong kinalma ang sarili ko habang nakababad ako sa bath tub. Sinubukan ko ring iwaksi lahat ng hindi kaaya-ayang pakiramdam at iniisip ko. I smiled a little nang maalalang muli ang ginawa ni Alvarez. This is the first time na nagawa niya akong ipagtanggol nang gano'n. Lagi ko kasi siyang tinatakasan kada magkakaroon kami ng night out ni Zuriel. Maybe, having him by my side while I party isn't a bad idea after all. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin siya bawi sa pagmamaldita niya sa sasakyan ko kanina. Napailing-iling ako nang maalala ang pagtahimik niya matapos ang nangyari.   Hindi ko na nagawang magbabad nang mas matagal dahil gabi na. Agad akong nagpalit ng damit pantulog at hinayaan ang sariling magpalamon sa antok.   My eyes fluttered open as the sun was spilling sunlight into my room through my room's windows. I dragged my body out of my bed nang may kumatok. I tried fixing myself because I am sure, I look messy as f**k!   Bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni daddy. Nasa likuran nito si Heather na ngising-ngisi. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig kaya nagising ang diwa ko.   Itinaas ni daddy ang dyaryong hawak niya. "What the hell happened last night, Gilmarie?! Pagbabar na ba ang tinutukoy mong another business ngayon?!"   Kumunot ang noo ko sa inasta ni Daddy. Hindi ko maintindihan kung anong problema niya sa pagbabar ko. Hindi naman bago sa kaniya ang ganitong mga lakad na mayro'n ako.   "Laman ka ng balita, sis. Pinasapak mo raw si Paul Laxamana sa kung sino," ani Heather, hindi nawawala ang ngisi sa mukha.   "What?!" I exclaimed. "Nasapak siya dahil binastos niya ako!"   "Baka naman kasi inunahan mo kaya nabastos—"   Naiduro ko si Heather nang wala sa oras. "Pucha, mag-ingat ka sa sinasabi mo!"   "Gilmarie! Put your damn finger down! Hindi kita tinuruang maging ganyan kabastos and what's with your language?!" asik sa akin ni daddy. "You know Paul's father a friend of mine kaya bakit mo hinayaan na mangyari 'yon?!"   I scoffed in disbelief. "Dad, she's accusing me na inunahan ko si Paul kaya ako binastos ng taong 'yon! Tell your child to behave and I'll fix my attitude towards her! Isa pa, binastos ako ni Paul! Wala na ba akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko?"   Dad sighed. Frustration's painted on his face. "You're a Saavedra, Gilmarie! Kung gagawa ka ng gulo, might as well learn how to clean your own mess!" singal nito sa akin at saka padabog na binagsak ang dyaryong ngayo'y lukot-lukot na dahil sa pagkakahawak niya. Nagulat pa ako nang bahagya dahil sa lakas ng impact no'n sa sahig. "I am disappointed, Gilmarie."   Hindi ko na nagawang magsalita pa. Hanggang sa makaalis sina Daddy at Heather ay wala akong nasabi. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa sahig at nagpipigil ng luha. As usual, hindi naniniwala si Dad sa mga sinasabi ko. As usual, si Heather na naman ang kinakampihan. As usual, disappointed na naman siya.   Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa gano'ng posisyon pero nang makabawi ay agad akong tumayo at nagmartsa papunta sa bed side table kung nasaan ang phone ko. I dialled Paul's number. After few rings, he picked it up.   "Hello, sweetie! I knew you'd call me," sabi nito.   "Bakit kailangang ipublicize mo ang nangyari?! The hell! Alam na alam mo kung bakit ka nasuntok!"   I heard him laughed. "You see..." he paused, "I am a public figure and things like that, kailangang malaman 'yon ng mga supporters ko. Ang laking damage ng ginawa ng bodyguard mo, alam mo ba 'yon, sweetie?" hindi ko man siya kasama, nahihimigan ko ang inis sa boses nito.   "I don't care! Take that f*****g news down, Paul!" utos ko.   "How about a no?" He teased. "May upcoming movie dapat ako but now, hindi ko na matutuloy ang palabas na 'yon dahil sa bodyguard mo. Ako ang biktima rito, sweetie—" I cut him off.   "Stop pulling that victim card on me, Paul Laxamana!"   "Hmmm..." he paused again. I heard series of breathes after then he chuckled a little. "I have a good deal, sweetie."   I can feel my heart racing in frustration. I called him to ask him to take that news down, not for a deal!   "Be mine—"   "What?!"  He's unbelievable!   "Be mine and I'll do everything para hindi na kumalat pa ang balita. Take it or leave it, Saavedra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD