CHAPTER 2

2768 Words
GILMARIE POV "You're grounded, Gilmarie!"   Mas sumama ang tingin ko sa nakaupo at nakayukong si Alvarez nang marinig ko ang sinabi na iyon ni daddy. He's talking to me though a video call dahil he's out of the country pala. Kung hindi pa siya tumawag ngayon ay hindi ko pa malalaman.   "Dad, maaga akong umuwi," pagdedepensa ko, ang tingin ay na kay Alvarez pa rin.   "Alphrase told me na alas singko ka na ng umaga umuwi. Gilmarie, umaga iyon at hindi maaga!" singhal nito sa akin.   I sighed in defeat. "Fine, dad! Whatever you want."   Nakita ko kung paanong mula sa prenteng pagkakaupo ay akmang tatayo si Alvarez. Agad ko siyang sinitsitan at sinenyasan na bumalik sa kinauupuan niya. Hindi porke kausap ko si daddy ay takas na siya sa kasalanan niya sa akin.   "Hija, don't be too hard on your bodyguard. He's protecting you. Sinadya ko pa sa Amargo si Alphrase para lang makakuha ng bodyguard na alam kong papasa sa taste mo," dagdag niya. Ayan na naman ang islang hindi ko alam.   I rolled my eyes. "He's not my type, daddy!"   He chuckled. "I am not saying na maging type mo siya. Ang gusto ko lang ay magkasundo kayong dalawa."   Again, I sighed in defeat. Wala naman akong magagawa kung si daddy na ang magsasalita. Kapag kinontra ko lang siya nang kinontra, ako lang din ang mapapagalitan. He trusts Alvarez so much. Minsan nga'y parang ito pa ang anak kesa sa akin.   "Fine, dad. I'll try," sabi ko. Ang kanina'y tila sisilabang si Alvarez ay napanatag. Nahalata ko iyon sa lalim ng hininga na pinakawalan niya.   "I have to go, Gilmarie. Behave and you're still grounded."   "Da—" he ended the call.   Bumalik ang matatalim kong tingin kay Alvarez. Hindi niya naman magawang salubungin ang mga titig ko. Patuloy lang niyang nililibot ang tingin niya sa bahay ko ngunit ni minsan ay hindi nagawang salubungin ang mga tingin ko.   Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo at saka dumiretso sa kwarto ko. Iniwan kong mag-isa si Alvarez sa sala ng bahay ko. Kung aalis siya, go. Kung hindi, fine.   Ilang minuto pa lang akong nakahiga, my phone rang. It was an unregistered number so I cancelled the call. Ngunit tila makulit ang taong iyon kaya ilang beses pa akong tinawagan. I answered it at handang bulyawan ang kung sinong may-ari no'n, not until I heard a very familiar voice.   "Hi, sweetie!" bati nito.   I rolled my eyes at saka naupo mula sa pagkakahiga. "Masyadong maganda ang pangalan ko para palitan mo ng tunog aso, Paul. What do you want?" diretsahang tanong ko.   I heard him laughed. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung kanino ko nakuha number mo?"   Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Duh! Edi sa phone ni Zuriel. Paul, I am not dumb."   "Easy, sweetie!" He chuckled. "You're free today? Let's have a date!"   "If I am your flavor of the month, magsasayang ka lang ng oras. Wala akong balak maging bed warmer mo," sabi ko.   As I said, I know him. He's not just famous dahil sa kilala siyang aktor at modelo, sikat din siya dahil isa siya sa mga lalaking mahilig magpapalit-palit ng babae. Kada buwan ay ibang babae raw ang nakakasama nito, ayon sa source ko, which is google by the way. He called them as his 'flavor of the month'. Oh, how I hate guys na ginagawang laruan ang mga babae. God did not make us para maging parausan lang nila. Duh!   "I'm serious about you, Gilmarie," ani nito. "Ito na ata ang love at first sight na sinasabi nila," korning dagdag niya.   "Love at first sight is not love. It's lust!"   I heard him chuckled again. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko since I am not joking. Love takes time and if at first sight you're inlove, I don't think that's genuine. You're may be attracted but no, definitely not inlove. Too much for being sentimental, self.   "You're very unique. I really like you and I can't wait to tell the whole world that you're mine."   "Dream on, Paul."   I ended the call dahil boring siyang kausap. I am Gilmarie Clement Ramos Saavedra and I am too classy for someone like him. I don't need any man at all, I can shine on my own.   Days passed. Nakabalik na rin si Daddy mula sa out of the country trip nito. Pinasalubungan niya ako ng isang designer bag and I thanked him for that. He texted me kanina to inform me na magkakaroon kami ng dinner with tita Aurora and Heather sa mansyon. Ayoko man, Dad said that I have to be there. I don't want to disappoint him kaya ay sasama na lang ako. Besides, bulok na bulok na ako rito sa bahay dahil laging nakabantay si Alvarez. Hindi ko na matakasan ang isang iyon dahil kapag lumalabas na ako ng kwarto ay naroon agad siya sa sala. Tumatayo lang siya roon kapag nag-aasikaso siya ng sarili niyang pagkain. I am not his cook kaya kanya-kanya kami ng luto at hugas ng pinagkainan.   Tanghali na rin nang maisipan kong bumaba at magluto ng pananghalian ko. As expected, naroon si Alvarez at seryoso itong nakatingin sa cellphone niyang nalipasan na ng panahon. Sa pagkakaalam ko, mataas naman ang pasweldo ni Daddy sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa siya nagpapalit ng cellphone niya at nagtitiis siya sa de-keypad niyang Nokia.   Dumiretso ako sa fridge ko at kumuha ng itlog doon. Noong mga nakaraan ay puro nilagang itlog ako o di kaya'y omelette. Ngayon ay simpleng scramble eggs lang ang lulutuin ko. Sa ganitong pagkain lang ay buhay na ako dahil masyadong kumplikado ang ibang putahe. Minsan naman ay nagpapadeliver na lang ako sa labas. Kung ano ang inuulam ni Alvarez ay hindi ko na rin alam.   "Kainis!" maya-maya ay rinig kong bulalas nito habang abala ako sa pag-iinit ng pan. "Malapit ko nang mabeat high score ko, bumunggo pa! Asar naman 'yan," dagdag pa nito.   Hindi ko na lang pinansin ang isang 'yon na reklamo nang reklamo. Sa pagkakaalam ko, iisang laro ang nalalaro niya sa phone niya, ang snake. I don't know why he find that game exciting. One time, I tried downloading that on my smartphone, I got bored playing it. His snake has different graphics on mine but who cares, same lang naman 'yon. Ahas pa rin naman ang gumagalaw sa laro.   Umakyat na rin ako agad pagkatapos kong magluto ng itlog. Magpapalipas na lang ng oras sa kaka-nuod ng Netflix and later, magpeprepare na for dinner.   "Waaaah!" ngawa ko at saka suminga na naman sa tissue. Nakakainis naman! Bakit ko ba kailangang umiyak dahil lang sa palabas na 'to?! In the first place, bakit Miracle in Cell no. 7 pa napili kong panuorin?!   Mas lumakas pa ang pag-iyak ko nang dumating na ang scene kung saan ay hahatulan na si Yong-Goo. Walang kamalay-malay si Ye-Seung sa mangyayari sa tatay niya. Mas napaluha pa ako ng scene kung saan ay karga-karga na nito ang anak. Wala atang parte ng palabas na 'to ang hindi ko iiyakan. Panay ang kuha ko ng tissue at singa roon lalo na nang magpaalam na sila sa isa't-isa.   "Appa, jalga..."   "Ye Seung-ie, annyeong...Ye Seung-ie, annyeong...Ye Seung-ie, annyeong..."   "Hana...dul...set...Hana...dul...set...Appa!"   I got the remote and paused it. I can't take this anymore! I don't want to go to the mansion with swollen eyes! Agad akong tumakbo papunta sa banyo at saka naghilamos. I looked at my mirror after and halos masampal ko ang sarili nang makitang sobrang namumula ang mata ko maging ang paligid nito. Napailing-iling nalang ako dahil nagmukha akong bagets na umiyak dahil brineakan or ghinost ng jowa niya.   "Wrong move," bulong ko sa sarili at saka binagsak ang katawan sa kama ko. Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang phone ko. A text message from Zuriel.   From: Zuriel Night out?   Mabilis naman akong nagtype ng reply para rito.   To: Zuriel Can't. Dinner with dad.   After I sent that, naghanap na ako ng damit para mamaya. The dinner's 6:00 pm but since I don't want to rush myself later, finding the perfect dress to wear ahead of time is a great thing to do.   I scanned my collection of dresses. These are all expensive. Wala sa mga damit ko ang binili ko sa halagang mas mababa pa sa 10,000 pesos. Ang mga bigay ni Daddy sa akin at ng mga kaibigan ko ay talagang mga mamahalin din. Being a Saavedra requires everything to be expensive...and classy.   Sa huli, napili ko na lang ang isang kulay royal blue na halter-style dress with shorts. This was designed by Mac Duggal and is one of New York dress' collection. If I am not mistaken, this dress cost 13,000 pesos. I looked at my rotating shoe rack and I decided to pair this outfit with my Giuseppe Zanotti's black kanda sparkle heels. Okay na ang ganito kasimpleng porma dahil dinner lang naman ang mayro'n kami.   I looked at my clock and it's nearly 4:00 o'clock. We need to leave my house at 5:00 pm since our mansion—Dad's mansion rather, is 45 minutes away from here. I don't want to be late dahil paniguradong may masasabi na naman si Heather.   I messaged Alvarez to get ready then I got my towel and entered the bathroom. Usually, it took me 1 hour or so bago matapos maligo but this time, I have to prepare fast. After 30 minutes, nakalabas na ako ng banyo.   Hindi ko muna inalis sa buhok ko ang tuwalyang gamit ko, to dried my hair kahit konti. I faced my vanity mirror and did my make up. I decided to put on light make up, used Rogue G Jewel Compact Guerlain lipstick in the shade of pink and for the perfect finish, I sprayed Hermes' 24 Faubourg all through out my body. I inhaled the perfect scent of my designer perfume and smiled. I got my hair dryer to obviously dry my hair faster. Wala akong balak gawan ng kung anong porma ang buhok ko dahil maganda ang natural na pagiging maalon nito. Aside from my hands, my hair is also my biggest asset.   Nang makuntento na ako sa ayos ko, I dressed up at saka bumaba na because we need to leave. Nakita kong tapos na rin mag-ayos si Alvarez at naghihintay na lang sa akin sa sala. Ang porma nito ay tipikal na pormahang pamprobinsya. Natawa pa ako nang bahagya dahil hindi tumugma ang blue na sapatos nito sa yellow t-shirt niya at maong pants. Kung kulay pula ang pants niya, mukha na siyang watawat ng Pilipinas.   "Isang sasakyan na lang ang dalhin natin," sabi ko nang tuluyang makababa. Wala naman siyang naging kontra sa sinabi ko. Sumunod na rin siya agad sa akin sa paglabas ng bahay. I raised my brow nang sa back seat siya naupo kesa sa passenger seat sa tabi ko.   "Bakit diyan ka umupo?" tanong ko, tila nagulat pa siya dahil do'n.   "Saan po ba dapat, ma'am?" tanong nito, nauutal pa.   I rolled my eyes. "Sa bubong siguro! Duh! Edi syempre rito sa tabi ko," ani ko. "I am not your driver para riyan ka sa back seat maupo!"   Nakita ko pang napakamot siya sa kaniyang batok bago dali-daling lumipat ng upuan. Umalis na rin kami kaagad dahil ayaw kong ma-late.   After 43 minutes, we arrived at our destination. Agad naman kaming pinagbuksan ng gate ni Manong Erwin, ang isa sa mga security guard dito. This mansion, I must say, is very Saavedra in style. Ang bubungad pagdating ay ang wide lawn with lots of flowers and a fountain. May malawak ding parking lot which can accomodate 10 standard size cars. It's a very modern mansion and has lots of glass design on it. It has gold plated double door na may nakaukit pang 'Saavedra Mansion'. Pagpasok na pagpasok, ang bubungad sa'yo ay ang modernized design din ng bahay. It has white walls and the interiors revolve around black and pistachio color. May grand staircase and isang malaking chandelier sa bandang gitna.   "Hi, sis!" ani ng isang pamilyar na tinig.   Napabuntong-hininga pa ako at saka tinapunan ng tingin si Heather na nagmamadaling bumaba ng hagdan at nang makalapit ay bumeso pa sa akin. I also saw Dad and tita Aurora going down of the stair kaya hindi na ako nagtaka sa kinikilos ni Heather. A show, of course. Tita Aurora's my step mother and Heather is obviously my half sister.   "Glad you made it, Gilmarie," ani Dad bago bumeso sa akin. Maging si tita Aurora ay lumapit sa akin para bumeso. I gave Dad a subtle smile. Awkward.   "Dinner's ready. Let's go?" tanong ni tita Aurora. I nodded at hinayaang mauna sila ni Daddy na pumunta sa kusina. Heather gave me a judging look bago sumunod kila tita.   "Ma'am, hintayin na lang kit—"   "No. Join us for dinner, Alvarez. Dito ka lang makakakain ng matinong pagkain, huwag mo nang sayangin," sabi ko 'tsaka naunang umalis.   Maraming pagkain ang nakahain sa dining table nang marating ko ang kusina ngunit kahit gano'n karami ang mga 'yon, wala akong gana tikman kahit isa. Mas okay pa sa akin ang kumain ng itlog mula agahan hanggang hapunan kesa mga ganito kagarbong pagkain sa lugar na hindi naman home ang pakiramdam.   "How are you, Gilmarie?" tanong ni tita Aurora.   "I am fine, tita," sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya at abala sa pagpapaikot-ikot ng tinidor ko sa kakaunting carbonara sa plato ko na nahihirapan akong ubusin. Napunta kay Alvarez ang tingin ko dahil mukhang enjoy na enjoy ito sa kinakain niya.   "Define fine, ate Gilmarie," ani Heather, tila nang-aasar dahil sa pagdiin niya sa pagtawag sa akin ng ate.   "Fine as in fine fine, Heather. If 'di mo pa rin gets, GMG," sabi ko. In my head, I'm rolling my eyes non-stop!   "GMG?"   "Duh, google mo girl!"   "Gilmarie," Dad called my name using his warning tone.   I sighed. "Sorry, dad."   "You're too mean, ate," ani Heather. I looked up at sinalubong ang mga tingin nitong tila nang-aasar habang nananatili ang paawa nitong mukha.   "You're too plastic, Heather," pagtataray ko.   "Enough," Dad said, with finality. Then his gazes met mine. "Kausapin mo nang maayos ang kapatid mo, Gilmarie. What's with your attitude?"   Nagbaba ako ng tingin then I smiled, a very bitter one. Hindi ko rin sinagot ang tanong nito. This is not new. Dad will never understand my attitude towards Heather dahil ito naman ang anghel sa paningin niya.   I finished my food fast dahil hindi ko na kayang tagalan ang ganitong set up. Nang makatapos ay agad akong tumayo then I smiled at them, head held high. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy.   "May iba pa akong business, I have to go," sabi ko. "I know you wouldn't mind so...Alvarez and I will leave now," dagdag ko.   Napaturo pa sa sarili niya si Alvarez. "Kasama ako, ma'am?"   I hissed. "May iba pa bang Alvarez sa bahay na 'to?"   "Gilmarie, baka pwedeng mamaya na? Kumakain pa kasi si Alvarez—" I cut tita Aurora's words.   "I can leave him here at ako na lang ang aalis, tita," sabi ko.   Mabilis na tumayo si Alvarez mula sa pagkakaupo. "No, ma'am. You're my job kaya sasama ako sa inyo," sabi nito.   "Good," ani ko. I looked at Dad na ngayon ay halata na ang inis sa mukha. "We'll go now. Thanks for the dinner, Dad."   He sighed then nodded. I smiled a little sa gawi ni tita Aurora and I didn't bother to look at Heather's direction. Nang aalis na kami ni Alvarez, narinig ko pa ang pahabol ng isa.   "Too rude for a Saavedra," ani Heather.   Mas binilisan ko na lang ang lakad ko nang hindi na siya mapatulan pa. Pabagsak kong sinara ang pinto ng sasakyan ko nang makasakay ako. I got my phone and texted Zuriel. I messaged her a bar location, gladly, she replied right away.   "Ma'am, saan ang punta natin?" tanong ni Alvarez.   "Somewhere na malaya ako," I said.   Too rude for a Saavedra? Atleast I did not ruin someone else's family!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD