GILMARIE POV
"Cheers, babe!"
Agad naming pinagbunggo ni Zuriel ang aming mga shot glass at diretsong ininom ang mga laman no'n. We both laughed dala na rin ng unti-unting pagkalasing. This is the third bar na pinuntahan namin ni Zuriel and my most favorite also. I am glad, kahit papaano, na nagagawa pa naming magdrive sa ganitong kondisyon.
Drinking is our escape to our harsh reality. Zuriel has been removed as one of the models for the upcoming model summit while I was removed from everyone's lives. I mean, there's nothing new. I've been living in a hellish reality since I was three. Now, I'm twenty-seven, living my life to the fullest!
"Where's that hottie bodyguard of yours, Gilmarie?" tanong ni Zuriel habang nakahilig na sa inuupuan nito ngayon.
I laughed. "Hottie bodyguard? You find Alvarez attractive?" Naiiling-iling pa ako. I poured another shot of tequila and drank it straight up at saka sumimsim ng lemon.
Zuriel rolled her eyes on me. "Duh! He's like a model kaya! If he's not mahirap and he's not your tagabantay, pwede siya maging model," she said.
I smirked by what she just told me. Now, I didn't know that one of the requirements for a better job is someone's life status. Hindi na ako sumagot sa tinuran niya. I took another shot of tequila instead, straight up.
Inagaw na ni Zuriel ang shot glass sa akin. "Damn, babe! Hinay-hinay ka! Mayayari ako ni tito Hanwill kung iuuwi kitang sobrang wasted!"
"Oh, come on Zuriel!" I rolled my eyes. "I am not a kid and walang pakialam si Daddy kung uuwi akong sobrang lustay sa pag-inom. Kahit ata gumapang pa ako pauwi, walang magiging pakialam 'yon. Besides, I'm living on my own."
"Fine! Fine!" aniya at saka ibinigay niyang muli sa akin ang shot glass ko. "Let's rate boys!" she added, full of excitement.
I rolled my eyes at nagpatianod sa gusto nito. Whenever we're bored, we do this. I don't think it's a bad thing since we're just rating them and not fantasizing over them. As long as no one's being objectified, I'll go with what Zuriel wants.
"He's a nine. Definitely."
"Seven for me."
She looked at me, shocked. "He's a hottie!"
I shrugged. "Not my kind of man."
Luminga-linga si Zuriel, tila naghahanap ng kung sinong pwedeng ma-rate. I saw her smirked. "How about him?" she said, grinning and pointing at someone.
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nito and there, I saw Paul Laxamana looking at our direction. He's wearing jeans and a white button down shirt with three buttons opened up and sleeves rolled up to his elbow. Dumagdag din sa appeal nito ang kaputian niya at ang taper fade na gupit nito na bumagay sa medyo makulot niyang buhok.
"He's eleven over ten for me," ani Zuriel.
I did not answer. Nilabanan ko ang mga titig ni Paul na alam kong sa akin nakapako. He's a model, an actor and the only son of Dr. Laxamana, a neurologist and a friend of my dad. Marami akong nababasa at naririnig tungkol sa kaniya but none of those stories were enough to intimidate me.
Hanggang sa oras na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isa sa mga bar stool na nasa counter, nasa kaniya lang ang paningin ko. It's not that I like him or I'm interested on him but I don't wanna get intimidated by someone na alam kong ka-lebel ko lang. I am a proud Saavedra, my surname speaks class, wealth and power and he's just Laxamana. I know his games, alam na alam ko kung paanong nangongolekta siya ng mga babae. Hindi ko rin alam bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya. He's not even that hot.
"Hi, ladies!" bati nito sa amin nang tuluyang makalapit. "I'm Paul, by the way," aniya sabay naglahad ng kamay.
Naunang tinanggap ni Zuriel ang kamay nito at saka nagpakilala. I reached his hand ngunit agad ko ring binitawan after few seconds.
"Mind if I sit in?" tanong nito.
"Oh, no. It's fine," ani Zuriel na ngiting-ngiti. Mentally, I rolled my eyes dahil sa pagpayag ni Zuriel.
Napangiti rin si Paul sa sinabi ni Zuriel. Agad siyang naupo sa bakanteng sofa na katapat ko then his intense gazes are back. I knew it, he's interested on me.
Inalis ko na sa kaniya ang mga tingin ko dahil walang mangyayari sa akin kung buong gabi ko siyang tititigan. Bahala na siya kung uubusin niya oras niya kakatingin sa akin but I won't do the same. I am sure, he won't get tired of looking at my perfectly sculpted face. I have this oval shaped face, deep set eyes, a natural hazelnut brown eye color, sharp nose and thin lips perfectly joined by my smoke and silver ombre colored wavy hair na bumagay sa fair skin tone na meron ako. If only my life is perfect, too.
Hinayaan kong sila ni Zuriel ang magdaldalan while I took series of shots ng tequila namin na paubos na. Kahit papaano, may advantage ang pagkakaroon ko ng mataas na alcohol tolerance. I've been partying since I was 18 and I can say na sa loob ng siyam na taon, marami ng alak ang rumehistro sa sistema ko. Minsan naiisip ko kung dugo pa rin ba dumadaloy sa katawan ko o alak na. Silly.
"Single?" tanong ni Paul bigla, eyes were on me. I simply nodded as an answer.
"You like her?" diretsahang tanong ni Zuriel. I raised my brow on her, nginisian niya lang naman ako. Naiintindihan kong may tama na si Zuriel pero hindi naman ata maganda ang lumalabas sa bibig niya.
Paul nodded then laughed. "One day, she'll be mine," confidently, he said.
Zuriel laughed. "Goodluck with that. Cheers!"
I looked at my phone and it's already 5:00 am. Hindi ko na namalayan ang bilis ng oras dahil na rin sa pag-inom. Zuriel and I need to go home. Baka ako pa ang mayari ng parents niya dahil maliban sa wasted ko na nga siyang iuuwi ay naabutan pa kami ng ganitong oras.
"Zuriel, let's go," aya ko rito.
Umiling siya nang umiling sa akin. "You can go home, babe. I'll stay kasi nag-uusap pa kami ni Paul."
I sighed. Naglaban pa kami ng tingin but I gave up. "Take care, Zuriel and text tito and tita dahil baka ako ang yariin nila," paalam ko at saka bumeso na sa kaniya. Natawa pa siya sa tinuran ko but afterwards, agreed. Simpleng pagtango lang naman ang naging paalam ko kay Laxamana. Medyo liyo man, I was glad nang makarating ako nang matiwasay sa sasakyan ko. My head is throbbing so I rested for a few minutes bago ko naisipang magdrive na pauwi. I know, hindi na dapat ako nagmamaneho pauwi dahil nakainom ako, that's against the law but I can't call Alphrase dahil tinakasan ko lang siya. Minsan, pinagsisisihan ko rin talaga ang mga desisyon ko sa buhay.
Hindi pa man ako nakakapagpark, nakita ko na agad ang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa labas ng gate ng bahay ko. Nakatali ang buhok nito na alam kong abot hanggang balikat niya. He's moreno at may katamtamang laki ng katawan. He's 5'11 according to his resume na pinasa niya noong naga-apply pa lang siya. Nakasandal siya sa may gate habang nakayuko. Bumusina ako kaya napaangat siya ng tingin. Hindi ko maipinta ang mukha ni Alvarez ngayon. He opened the gate so I could enter. Hindi ko mapigilang mangisi dahil sa itsura niya. After I parked my car, sinigurado ko munang wala akong naiwang gamit sa kotse ko bago ako bumaba.
"What are you doing here sa ganitong oras, Alvarez?"
Sa mansyon siya tumutuloy kasama ni Daddy at nina tita Aurora while I lived in my own house alone. My house was a gift to me by my great father no'ng mag-eighteen ako. At first, I was disappointed dahil okay naman ako sa sarili kong lungga sa mansyon but kalaunan, naisip ko ring mas okay na magsolo ako.
Back to Alvarez, 7:00 am pa ang start ng duty niya as my personal bodyguard so I don't understand kung bakit 5:00 am pa lang ay nasa labas na ito ng bahay ko.
"Hinintay kayo, ma'am," he answered with a straight face. "Please lang po, kung magbabar kayo sa sunod, huwag n'yo na akong takasan."
Bakas sa mukha nito ang frustration, pagod at puyat. Ito rin ang unang pagkakataon na he asked for a favor from me sa loob ng 2 years na nagtatrabaho siya sa akin—sa amin, rather. I don’t even know kung ano ang past job niya, all I know is that Daddy likes him so he hired him para bantayan ako.
When I went bar hopping with Zuriel, tinakasan ko si Alvarez. Alam kong hindi ako makakapagbabad kapag kasama ko siya since he'll report whatever I do to my dad at hindi kaya ng konsensya ko na may taong napupuyat sa paghihintay sa akin. I maybe a b***h but I am not heartless. Well, konti.
"You can go now, Alvarez. Kaya ko na sarili ko," ani ko.
But just when I was about to leave, mas lumala ang pagkaliyo ko. Muntikan pa akong matumba. Gladly, mabilis na umalalay si Alvarez. I don't want another bruise or scar on my body. I've had enough.
"Bubuhatin ko na lang kayo papasok, ma'am," ani Alvarez.
I raised a hand in the air, trying to stop him. "No, I won't allow that. You're a guy and—" he cuts me off.
"You're not my type, ma'am," ani nito. “Huwag kang mag-alala.”
Dala ng gulat, hindi ako agad nakakilos nang buhatin niya ako in a bridal style. How dare him para sabihin sa akin nang harap-harapan na hindi niya ako type! I am Gilmarie Clement Ramos Saavedra for pete's sake!
"Bigat," rinig kong bulong niya.
I scoffed. "I am not mabigat! Mahina ka lang talaga!" asik ko. "You're too weak at hindi rin gano'n kaganda ang katawan mo. Hindi ka gano'n ka-maskulado at bet ko wala ka ring abs so I don't know why my dad hired someone like you," dire-diretso ko iyong sinabi. I heard him laughed a little.
"Medyo masakit kayo magsalita, ma'am," ani nito.
I rolled my eyes. "Tingin mo 'di masakit ang sinabi mong hindi mo 'ko type?! I am Gilmarie Clement Ra—"
"Ramos Saavedra. My surname speaks class, weath and power. Tama ba ako ma'am?" Hindi ako nakasagot. "Sa loob ng 2 years na pagtatrabaho ko, ilang beses n'yo na pong naulit 'yan kaya nakabisado ko na po," dagdag niya kahit halatang pagod na sa pagbuhat sa akin paakyat ng hagdan. He's panting. Ginusto niya 'to, eh, edi panindigan.
Agad ko siyang sinenyasan na ibaba na ako nang makarating kami sa labas ng kwarto ko. Buti naman kahit papaano ay nakuha niya ang aking sinesenyas.
"Hanggang dito ka na lang," ani ko, hindi nakatingin sa kaniya.
In my peripheral vision, I saw him smiled at saka nagkamot ng batok niya. "Wala naman po akong balak pumasok ng kwarto n'yo. That's as if I'm invading your privacy, ma'am."
Hindi ako agad nakasagot sa tinuran niya. For 2 years, I've known him as someone na alam kong sobrang marespeto at alam ang dibisyon sa aming dalawa. He never crossed the line, hindi niya rin ako sinabat-sabat o pinagtaasan man lang ng boses. Not even once. Ang tanging kapuna-puna sa kaniya ay ang kaniyang pagiging sobrang honest. He can easily make someone feel so small kapag nagiging prangka ito. Gaya na lang ng ginawa niya kanina, saying na I am not his type.
Dumiretso agad ako sa banyo para maglinis ng katawan nang makaalis na si Alvarez. I took a quick shower bago ko minessage ang number ni Zuriel the moment I went out of my bathroom.
To: Zuriel
Beep me up kapag nakauwi ka na. Take care. Thanks for spending time with me, as always. :)
Matutulog na rin sana ako but then my phone beeped. 2 messages received. One from Zuriel and one from Alvarez. Una kong binuksan ang message ni Zuriel.
From: Zuriel
Hi, this is Paul. Your friend is safe. Hinatid ko siya so don't worry. Sleepwell, gorgeous! :)
I simply replied thanks.
From: Alvarez
Tumawag daddy n'yo. Sinabi ko po ang ginawa mo ma'am. Inform lang po kita hehe.
Halos mahigit ko ang paghinga ko dala ng frustration na nararamdaman ko kay Alvarez. Can't he lie?! I mean, just for once? Alam niya namang mapapagalitan ako ni daddy! And what's with hehe?! Who uses 'hehe' sa generation ngayon?! So annoying!
"Damn, too much honesty!"